Advertisers

Advertisers

Bayaw tinumba sa harap ng anak

0 268

Advertisers

Bangkay na nang bumulagta sa semento ang isang construction worker nang pagbabarilin ng bayaw sa harap mismo ng 5-anyos na anak na babae ng una sa Malabon City, Lunes ng madaling araw.

Dead on tha spot si Aldrey Gan, 30, may live-in partner, residente ng No. 97 Macopa Road, Barangay Potrero ng naturang lungsod.

Ayon kay PMajor Sonny Boy Tepace, ng Scene on the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ito ng tama ng cal. 38 sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinamatay.



Kinasuhan na ng murder ang salarin na si Renato Pacheco alyas “Rene,” 50, walang hanap-buhay, kapitbahay ng biktima, nang tumakas dala ang ginamit na baril sa pamamaslang.

Sa ulat, ala-1:10 ng madaling araw nang mangyari ang krimen sa kahabaan ng Macopa Road, Barangay Potrero, Malabon City.