Advertisers

Advertisers

Rider patay sa aluminium van

0 215

Advertisers

Patay ang driver ng isang motorsiklo nang masagi nito ang isang aluminium van at makalakad ng 50 metro sa national highway sa Brgy. San Nicolas, Candon City, Ilocos Sur, Lunes ng gabi.

Ang driver ng Yamaha Mio motorcycle nakilalang si Eric Jimenez, 41, walang asawa, residente ng Brgy. Paras ng naturang lungsod.

Nakilala naman ang driver ng NKR truck aluminium van na si Lardi Sabado Arzadon, 35, may asawa, residente ng Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union.



Sa ulat, ang motorsiklo na papuntang timog na direksyon napunta sa kabilang lane kaya nasagi nito ang tail light guard ng NKR truck.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng motorsiklo at nakaladkad siya ng truck sa layong 50 metro mula sa point of impact.

Ang driver ng motorsiklo, agad na dinala sa Candon City Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Dinala rin sa police station ang driver ng isang southbound Isuzu Truck Giga Wing Van para imbestigahan nang makitaan ng mga otoridad ng debris o scattered pieces of waste or remains ang left rear wheel ng kanyang sasakyan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Candon City Police kaugnay sa nangyaring aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">