Advertisers

Advertisers

Ano pa nga ba? ‘Di pagkasyahin na lamang…

0 265

Advertisers

MASASABI nating nakakadismaya o nakakapanghinayang pa rin ang desisyon ng Bicameral Conference Committee na tapyasan ang pondo para sa Barangay Development Program (BDP) na pangunahing hakbang ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang wakasan ang lagpas limampung taon ng panggugulo ng mga komunistang-terorista.

Kaya nga sabi ng ating kaibigang si Interior and Local Goverment Undersecretary Jonathan Malaya inilagay sa panganib ng ating mga mambabatas (senador at mga kongresista) na miyembro ng Bicam, ang mga barangay na nalinis o nai-alis na sa kamay ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Bakit ka ninyo? Para kay Usec. Malaya, malayong-malayo ang P17.1 bilyong pondo na inaprubahan ng Bicam, sa hinihingi at pinanukalang budget ng NTF-ELCAC na P28.1 bilyong pondo nito para sa 2022. Ayon na rin kay Usec. maaaring may mga barangay sa ating mga kanayunan ang hindi na malalapagan ng BDP. O’ kaya naman ay may mga barangay na makakatanggap ng BDP ngunit kulang, di gaya ng kanilang inaasahan.



Dangan kasi, may 1,406 na ng mga barangay ang nakaprograma sa 2022, na mabibiyayaan ng pondo ng BDP. P20 milyon kada sa nasabing bilang ng barangay, na maaaring gugulin sa pagpapatayo ng mga ‘farm-to-market road, patubig at irigasyon, silid paaralan o mga livelihood projects.

Maliit na halaga kapalit sa pagtakwil ng ating mga kababayan sa mga barangay na mga yan na dati ay sumusuporta o’ napipilitang makisama sa mga komunistang-terorista. Maliit na halaga upang madama ng ating mga kababayan sa mga nabanggit na bilang ng mga barangay, ang pagmamalasakit man lang ng pamahalaan sa kanilang mga kalagayan na matagal nang pineste ng mga CPP-NPA-NDF.

Hindi suhol ang P20 milyon sa mga barangay na iwinawaksi na ang mga komunistang-terorista, kung di tulong upang makaranas naman ng kahit na kaunting kaginhawahan ang ating mga kababayan sa mga barangay na dating pinipeste at pinamumugaran ng mga CPP-NPA-NDF.

Kaya nga ang sabi rin ni Davao de Oro Governor Tyron Uy, na umaasang ang ilan sa mga baangay na kanyang nasasakupan ay makakatikim man lamang ng tunay na pagmamalasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng BDP ay tila nalagay pa sa alanganin, dahil sa pagtapyas sa budget ng NTF-ELCAC at ng BDP nito, maari na naman silang maimpluwensiyahan ng mapanlinalang na CPP-NPA-NDF.

Bakit nalagay sa alanganin? Dahil nang malinis na ng pulis at militar ang ilan sa kanyang mga barangay sa kamay ng CPP-NPA-NDF, ang paliwanag ni Gov. ay wala namang sunod na ginawa ang pamahalaan sa kanyang mga residenteng napeste ng mga komunistang-terorista.



Kaya nga BDP ang naisip ng NTF-ELCAC na isang paraan para manumbalik ang pagtitwala ng ating mga kababayan sa mga kanayunan sa pamahalaan ay para na rin magtutloy-tuloy na ang minimithiing kapayapaan at kaunlaran sa mga barangay na ito.

Ang NTF-ELCAC po ay hindi binubuo ng mga pulitikong naninilbihan bilang mga mababatas gaya ng mga miyembro ng Bicam. Ibang-iba ang mga opisyal ng NTF-ELCAC sa mga miyembro ng bicam at iba pang mga pulitiko, na kapag nangako ay sasabihin pa sa iyo na “pinangakuan ka na, gusto mo pang tuparin.”

Hindi po ganyan ang NTF-ELCAC. Kapag ang task gorce na binuo ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere ang nangako, ay nakakasiguro kayong tutuparin ito. Sa tapyas man na budget, pagkakasyahin nila ito matupad lang ang kanilang ipinangako.