Advertisers

Advertisers

Bumabaha pa ang shabu; Lopez bibigyan ng puhunan ang Manila vendors

0 299

Advertisers

MATATAPOS nalang ang termino ni Pangulong Rody Duterte sa Hunyo 30, 2022, anim na buwan mula ngayon, ay bu-mabaha parin ang mga iligal na droga partikukar shabu.

Hindi nangyari ang pangako ni Duterte na wawakasan niya ang iligal na droga sa loob ng “3 to 6” months pagkahalal niya bilang lider ng Pilipinas.

Ang nangyari lang ay natumba ang mga sipuning tulak/adik at mga kalaban sa politika na iniugnay sa iligal na droga, pero ang bigtime illegal drug dealers o drug lords ay namamayagpag parin kahit pinangalanan na ang mga ito ng dating opisyal ng PNP Anti-Drugs.



Oo! Remember Peter Lim? “Kumpare” ito ni Pangulong Duterte.

Yung nasangkot sa importation ng bilyon bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa isang warehouse sa Valenzuela City na sina Charlie Tan at Kenneth Dong, mga “barkada” ito ng mga anak na lalaki ni Pangulong Duterte.

Pinangalanan din ng dating anti-drugs operator Police Colonel Eduardo Acierto ang dating Economic Adviser ni Pangulong Duterte na si Michael Yang na isa itong drug lord. Pero si Yang ay nilinis ng bagong pamunuan ng PDEA. At si Acierto ay pina-wanted ni Duterte.

Si Yang ang itinuturong nasa likod ng katiwalian sa pagbili ng gobyerno ng facemasks/face shields na nagkakahalaga ng halos P8 billion.

Sina Peter Lim at Richard Tan, kapwa may mga kuhang larawan kasama si Pangulong Duterte na naka-post sa social media, ay cannot be reached na!



Nitong Lunes ng gabi, nakasamsam ang mga awtoridad ng 77.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso sa Room 3528, 35th floor ng Tower 3 Light Residence sa Mandaluyong City. Naaresto rito ang negosyanteng si Mike Abac at cook na si Edison de Guzman, kapwa taga-Gradalupe Nuevo, Makati City.

Ayaw pang ihayag ng PDEA kung anong drug syndicate napapabilang itong mga demonyong Abac at de Guzman.

Ito’y patunay na namamayagpag parin ang mga sindikato ng iligal na droga sa bansa. Bigo si Pangulong Duterte sa kanyang pangako na sugpuin ang droga maging ang korapsyon na ipinangako niya noong 2016 election campaign. Mismo!

***

ISA sa mga ipinapangako ni Atty. Alex Lopez kapag nahalal siyang alkalde ng Maynila sa Mayo 2022 ay bigyan ng kapital ang vendors sa Maynila.

Bukod sa puhunan, bibigyan din ng magandang puwesto ang vendors na hindi nakakasagabal sa commuters at motorista.

“Ala Monkok (sa HongKong) ang gagawin natin. Sa gabi natin lalargahan ang vendors para sa araw ay walang sagabal sa kalye. Mas okey sa gabi magtinda, hindi mai-nit tulad sa HongKong at Thailand. Bibigyan pa natin sila ng puhunan,” sabi ni Lopez.

Si Alex ay anak ni dating late Manila Mayor Mel Lopez at apo ng sikat na awtor at mananaysay na si Honorio Lopez ng Tondo.

Manang mana si Alex sa kanyang ama na napaka-humble at maka-masa. Wala itong kahangin-hangin sa katawan.

Ang iba pang kandidato sa pagka-mayor sa Maynila ay sina Vice Mayor Honey Lacuna, Cong. Amado Bagatsing, retired Police General Elmer Jamias at anak ni late Ma-yor Fred Lim na si Cristy Lim.

Ikaw, Manilenyo, sino iboboto mong Mayor ng Maynila sa Mayo 9? Text me at 09193297810