Advertisers
MAGANDANG pamasko ang natanggap nina JEAN MARC PINGRIS aka SAKURAGI at PETER JUN SIMON, parangal ng MAGNOLIA Hotshots ngPUREFOODS sa pagretiro ng kanilang jersey numbers sa halftime ngnagdaang laro versus GINS, 117-94 at handog daw sa dalawang veterancagers ang panalo na itinuloy sa Christmas celebration nila sa PBAGovernor’s Cup.
Umani ng comments, both positive at negative sa social media and scenario. Totoo namang nakaka-miss sa Sports world ang tinaguriang BIG 3 ng PF Hotshots as cited sa comments, “ 1 JAMES YAP, 2 MARC PINGRIS 3 PETER JUN SIMON!”.- ”Bihira talaga ang nabibigyan ng ganyan opportunity sa PBA, iilan lang sila!”- ’Kayo talaga! Ang Big 3 ng Purefoods!”- “Masakit sa mata ni Big Game!”(James Yap po yun) –
“Bakit nga wala si JAMES YAP? Although ibang team na pero sya talaga nagdala nuon sa purefoods franchise!”- “Sana binati nyo man lang si James Yap kahit paano kahit wala sya jan.’
‘Dapat si James Yap eh,,, palakasan kasi sa PBA,”‘Sanaganyan din ginawa sa SMB sila (sina) Ildefonso, Hontiveros, Cabagnot,Santos, hindi kapag matanda na itatapon na sa ibang team, hintayin nadapat ang retirement!”
O di po ba, talagang attention-catching ang mga komento/hinaing ng followers/ dakilang fans? May pumansin kaya sa management, tingin nyo?
Sa puntong ito, masasabi po ba nating fair play para sa bigating cagers na ilang panahon ding ibinandera sa kampeonato ang mga koponan nila, kung bigla na lang ite-trade at the time na ilang kembot lang magreretire na, pero hataw pa rin para itaas ang team?
Ok fine, pwedeng gawin anuman ng may hawak kasi players lang daw sila, pero bakit nga yun ilan nagagawang iretiro sa pagitan ng parangal samantalang yung ibang mas mataas pa ang kontribusyon sa team, sa trade ibinato tulad nina 2-time MVP JAMES YAP, MVP ARWIND SANTOS, champion team member ALEX CABAGNOT, 2-time MVP DANNY ILDEFONSO, DONDON HONTIVEROS et al na remarkable ang kontribusyon sa team? Magagaling sina PINGRIS at PJ SIMON, yes, eh yun mga nabanggit especially yun nagtala ng MVP record ..FAIR NGA BA?
SA amin lang po, feel talaga ang sakit ng loob ng fans sa tinatawag nilang ‘palakasan’, pero hindi rin namin inasahan. So saddening sa tuwing maalala namin ang sigaw ng pamunuan led by Team Gov. AL FRANCIS CHUA at Coach LEO AUSTRIA mismo.‘ Ang fans ang unang dahilan at nagbibigay ng inspirasyon sa panalo!” Lilipat na rin daw sila sunod sa idol.
Naalala tuloy namin nung halos maiyak si ALVIN TENG atthe time na bago kaming na-assign sa PBA, ‘Sakit talaga, pangarap ko lang, dito na magretire!, same experience.
Kayo na po ang humatol kung fair play nga yan para sa ‘NAPAKAHUHUSAY” nilang players na basta ibinato sa iba, kahit pa nga ba sila ang may mataas ding value sa trade na kinukursunada ng corresponding trading teams. SALUDO lang po sa ganyang cagers!
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to CHRIZELLE JANE C. SANTOS (Jan. 4) of Arellano University Faculty, to DIVINA FERRY LAGASCA of Dubai (Dec 26), CHRISTIAN DENVER S. ALEJO (Dec. 25) of Pugad-Lawin, QC Faculty and AILEEN F. REQUEPO (Dec 23) of Taguig City. HAPPY YULETIDE ! HAPPY READING! HAPPY NEW YEAR!