Advertisers
NAGA CITY- Patay ang dalawa katao nang masalpok ng bus sa Tagkawayan, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Jacobo Magdamit, 65 anyos; at alias Tess Perida, 40; kapwa residente ng Sitio Mataas na Bato, Barangay Rizal sa nasabing bayan.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, habang tinatahak ng bus na minameno ni Michael Barero, 49, ang kalsada papuntang Maynila nang bigla umanong patakbong tumawid ang mga biktima, dahilan upang mabangga ang mga ito. Sa lakas ng pagka-salpok, patay agad ang dalawa.