Advertisers
DAVAO CITY – Aabot sa higit dalawang milyon halaga ng iligal na droga ang narekober sa buy bust operation ng mga operatiba ng Ecoland PNP.
Isinagawa ang operasyon sa Purok 5, San Nicholas, Brgy. 8-A Madapo nitong lungsod.
Kinilala ang suspek na si Leo Abad Daan “Tata”, 38 anyos, driver, ng San Rafael, Brgy. 9-A; Luhel Alindajao Gaid “Nonoy”, 41, ng Brgy. 6-A, Bankerohan; at Zenas Teves Magallanes, 33, ng UIC, Bankerohan.
Nasa kustodiya ngayon ng PNP crime laboratory ang narekober na illegal drugs at sasampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.