Advertisers

Advertisers

Illegal firecrackers nakumpiska sa Divisoria

0 345

Advertisers

NASAMSAM ng mga tauhan ng Manila Police District- Police Station 11 ang ibat-ibang uri ng iligal na paputok at fireworks sa Divisoria, Maynila nitong Huwebes.

Ilan sa mga kinumpiska mula sa mga nagtitinda sa Divisoria ang Super Lolo, Atomic Big Triangulo, Mother Rocket, Lolo Thunder, Five Star, OG, Pla-pla, Pillbox, Watusi, Piccolo, Giant Whistlebomb, Big Judas’ belt, large Bawang, boga, Goodbye Philippines, Goodbye Earth, Bin Laden, Coke in Can at Kabasi.

Ang patuloy na pagkumpiska ng pulisya sa mga ipinagbabawal na paputok ay bilang pagtalima sa kautusan ng gobyerno na mahigpit na ipagbawal ang firecrackers at fireworks sa pagsalubong sa Bagong Taon.



Nauna nang iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa 25 kaso na ng fireworks related injuries ang naitala bago paman sumapit ang pagsalubong ng bagong Taon. (Jocelyn Domenden)