Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG newbie actress na si Milana Ikemoto ay malaki ang potential para maging bagong pantasya ng bayan para sa papasok na taong 2022.
Nakapaglalaway ang kanyang vital statistics na 36-25-36, kaya tiyak na maraming boys ang matatakam sa taglay na hotness ng dalaga.
Si Milana ay 19 years old at tubong Cavite. Siya ay isa sa bagong talents ng Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuente.
Ang baguhang sexy actress na isang half-Pinay at half-Japanese ay pumirma ng five year contract sa Viva at nakatakdang gumawa ng movies sa pagpasok ng taong 2022.
Ano ang kanyang na-feel nang naging contract artist siya ng Viva?
Masayang tugon ni Milana, “Siyempre po, talagang I felt happy na finally may bagong opportunity na dumating sa buhay ko.”
Ano ang kanyang magiging first project sa Viva? “May dalawang movies na hindi muna raw ako magiging lead, kumbaga ay ipapakilala muna ako sa dalawang movies na iyon. Then, lead movie na raw po, sabi ni Boss Vic (del Rosario)…
“Kaya po kailangan ko talagang mag-workshop po muna, bago ako isabak sa movies,” wika pa ng tisay na newcomer.
Hanggang saan ang limitasyon niya sa paghuhubad o pagpapa-sexy sa pelikula? “Siguro when it comes sa pagpapakita ng katawan, yung lower part ng body ko ang hindi ko ipapakita,” sambit pa niya.
Pagdating naman sa actor na dream niyang maka-love scene, ito ay sina Ian Veneracion and Albert Martinez.
“Ang actor na dream ko pong maka-love scene sa pelikula ay dalawa, sina Ian Veneracion po and Albert Martinez. Since mahilig po ako sa matured guy, sila po talaga ang crush ko,” nakangiting pahayag pa ni Milana.
Ano ang sa palagay niya na sexiest part ng kanyang body? “Iyong boobs ko po,” matipid na sagot pa niya.
Anong mafi-feel niya kapag malalamang may mga barakong nagpapantasya sa kanya? “Okay lang naman po sa akin, basta huwag lang po yung to the point na babastusin ako or something.”
Pero, naiilang ba siya kapag yung mga lalaki ay tinitignan ang kanyang boobs?
“Hindi naman po, hindi ko naman kasi kayang kontrolin ang isip nila, hehehe. Pero siyempre, hanggang tingin lang po sila dapat, hehehe,” nakatawang saad pa ni Milana.