Advertisers
NASAWI ang isang security guard nang mawalan ng kontrol ang kanyang minanehong motorsiklo at sumampa sa center Island ng Mc Arthur Bridge sa Binondo, Maynila.
Dead on the spot si Michael De Belen, 37 anyos, sekyu ng Mega Force Security Agency at residente ng 1847-C Pedro Gil St., Sta.Ana, Maynila.
Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, 2:00 ng madaling araw nitong Huwebes nang mangyari ang insidente sa nasabing tulay.
Binabagtas ng biktima ang northbound ng Mc Arthur Bridge nang mawalan ito ng kontrol at nagtuloy-tuloy sa center island /counterflow ng northbound lane saka bumangga sa bakal na poste ng ilaw.
Dahil sa malakas na impact, matinding pinsala ang tinamo ng biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay. (Jocelyn Domenden)