Advertisers
SI Julius Babao pala ang tinutukoy na Kapamilya Brodkaster na nagtangkang lumipat sa TV5.
Nag-apply umano ang mister ni Christine Bersola sa Kapatid Channel dangan nga lang at hindi sila nagkasundo sa talent fee.
Mataas umano.ang TF na hinihingi ni Julius kaya nagkatoon ng bargaining ang magkabilang kampo.
Pero, ayon sa update, plantasado na umano ang paglipat ni Babao sa TV5.
Nagkasundo na raw ang mahusay na brodkaster at ang TV5.
Anytime raw ay mapapanood na si Julius sa nasabing network kapalit sa naiwang pwesto ni Raffy Tulfo sa news program na Frontline Pilipinas.
Matatandaang naunang napabalitang ang papalit.kay Tulfo ay si Kabayan Noli.de.Castro.
Nag-file kasi ng candidacy sa pagka-senador ang dating news anchor ng TV Patrol.
Pero, agad sin siyang nag-back out nang diumano’y magkaroon ng problema sa financial support ng kanyang kandidatura.
Bumalik siya sa Teleradyo pagka-withdraw niya ng kandidatura pero hindi na siya nakabalik sa TV Patrol.
Sa pagkawala ni Noli sa TV Patrol, umasa raw si Babao noon kay Kabayan sa TV Patrol pero ibinigay nga ito kay Karen Davila.
Sa ngayon wala pang binibigay na detalye.si Julius kung.tuloy nga ang paglipat niya sa TV5.