Advertisers
NAKAKULONG na ngayon sa Brooke’s Point PNP ang isang ama na pumaslang sa kanyang mag-ina sa Barangay Amas Brooke’s Point, Palawan.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang padre de pamilya ang tinuturo ng testigo na may kinalaman sa pangyayari dahil may mga hindi tugmang salaysay ang suspek kaugnay sa paghingi nito ng tulong sa kanyang kaanak.
Dagdag pa rito, lagi napagbubuhatan ng kamay ng suspek ang kanyang misis sa tuwing mag-aaway.
May ilan pang ebidensya na nakapagdidiin sa suspek.
Matatandaan, nitong January 2, 2022 nang maiulat ang pamamaslang sa 17-anyos na ina at anak nito na lalaki na mahigit isang taon gulang pa lamang.
Kasalukuyan nakaburol ang labi ng mag-ina sa Sitio Tabog, Barangay Saraza; habang nakakulong ang kanilang padre de pamilya.
Hindi muna pinangalanan ng PNP ang sangkot sa krimen.