Advertisers
TIMBOG ang dalawang suspek na riding in tandem snatchers na nambiktima sa isang babae sa kahabaan ng Taft Avenue, Ermita, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Marc Louise Galvero, Marc David Escobido at Jocelyn Lagare Herbano.
Sa ulat, nadakip ang mga suspek sa magkakahiwalay na follow up operations na pinangunahan ni Police Major Rommel Anicete at Lt. Jerry C. Campo.
Nahagip ng CCTV ang kaawa-awang biktima na nakaladkad at napailalim pa sa motorsiklo ng mga isnatser nang agawan ng bag na naglalaman ng cellphone, pera, id’s at iba pang mahalagang dokumento.
Arestado rin ang isang babae na tindera ng gadgets sa isang mall sa Monumento na sinasabing pinagbagsakan ng nakaw na gadgets.