Advertisers

Advertisers

PBA GAMES, HOLD ULIT

0 375

Advertisers

UNANG entrada pa lang ng year 2022, bumulaga na sa first working day nitong nagdaang Lunes, Enero 3 ang announcement ng Inter-Agency Task Force (IATF) thru Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman BENJAMIN ‘BENHUR’ C. ABALOS, na balik sa Alert Level 3 , hanggang Enero 15 ang sitwasyon sa buong National Capital Region (NCR) from among other specified areas na mayroon pang naideklarang nasa lockdown tulad ng Malabon.

Bunsod ito ng bigla na naman umanong pagtaas ng COVID cases reports with other variants ng virus at pinagpasyahan ng pamunuan along with other leaders in a meeting with the Metro Manila Mayors ang ibinabang announcement ng Alert Level 3.

As expected, apektado ang sports community especiallyang contact sports na bago pa lang sanang babalikwas mula sa biglaan ding pagluluwag bago ang Kapaskuhan. Kabilang o nangunguna sa tinututukan ang mga laro ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION pero may anunsyo na rin na hold ulit ang mga laro ng PBA GOVERNOR’s CUP from January 5- 9 at sampung (10) match ups ang apektado.



Pinag-aaralan na ng Games and Amusement Board (GAB) ang possible steps para sa ipinadalang sulat ng PBA ukol sa kaharap na sitwasyon at kailangan din nila ang permiso ng Local Government Units (LGU’s) na responsible sa kani-kanilang nasasakupan sa NCR in particular. Naka-schedule pa naman sanang maglaro ang liga for a comeback sa Mall of Asia Arena (MOA) sa darating na Enero 15 pero siyempre, hihintayin po ang further announcement.

Last month, Disyembre lang nakabalik sa live set up ang PBA pero heto na naman ang balik-restrictions. Hindi naman pwedeng ibitin na lang ang ginaganap na PBA Governor’s Cup na ikalawang conference na nga lang sana mula sa orihinal na 3-Conferences.

Kung babalik ulit sa bubble set-up sakaling matagalan ang sitwasyon, yun ang aabangan pa, ulit, at posibleng ulit-ulit. Hindi po ba, dati naman sa mga nagdaang restriction announcements, nasusundan ng extension ang Alert Level o Lockdown kaya? Mas mahigpit daw po ang ipatutupad na monitoring ngayon at muli, ‘BAWAL LUMABAS’ ang ‘specified/particular’ citizens ayon sa pamantayan ng IATF at LGU’s.

Whatever, wish lang ng lahat especially ng Sports community na magkaroon ng magandang development. Papasok na sa 3rd year ang pandemic period na nagsimula noong Marso 11, 2020. Maraming speculations na naman ang gumugulo kay Juan dela Cruz lalo pa nga at so fast approaching ang naka-schedule na May 2022 national and local elections. Sey ng marami, ‘Bahala na si BATMAN!”“Bahala na si LORD!”So there!

CONGRATS, GO MPBL!
Buti na lang daw, mabilis ang MAHARLIKA PILIPINASBASKETBALL LEAGUE (MPBL) CHOOKS TO GO INVITATIONAL sa set up na 5games schedule per day para tapos agad ang championship. Congrats andgo MPBL/CHOOKS President-Sports Patron RONALD MASCARINAS!



JANUARY CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to NIKKO ESPENIDA, (Jan 2), Mam ELENITALOIDA PEDROSA of AUPC Faculty (Jan 3), Mam CHRIZELLE JANE C. SANTOS (Jan. 4) of AU Faculty of Pasig, CRISZYLL JOYCE C. SANTOS (Jan 4) of PIO, Mandaluyong LGU, JASON S. TALA (Jan 5) of San Isidro, Pampanga, and ANGELA JEAN CALVO (Jan 9). Best blessing be with you all. HAPPYREADING! HAPPY NEW YEAR!