Advertisers
ISA na namang Pinay na umuwi sa bansa mula sa Amerika ang bukod sa hindi na nagpa-quarantine ay ibinida pa sa social media ang kanyang pagpapamasahe.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dinakip na ang babae na hindi pinangalanan.
Ayon sa kalihim, sa halip na magtungo sa quarantine hotel dumiretso ang Pinay sa kanyang condo. Nag-post pa ito sa Instagram Stories na larawan ng pagpapamasahe sa loob ng sariling condo unit.
Sinabi lang ng babae na nag-check in siya sa hotel subalit napatunayan na hindi naman ito nag-check in sa hotel para mag-quarantine.
“She didn’t even check in a hotel, she just said that she checked in this hotel but it showed that she never even checked in a hotel, dumiretso sa condo niya,” sabi ni Sec. Romulo-Puyat.
“I don’t know bakit sila nagyayabang na nag-skip sila ng quarantine. Generation?” sambit pa ng kalihim.
Bahala na raw ang Bureau of Quarantine (BOQ) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa quarantine violator.
“I’ve given it already to the BOQ and the DILG and I will leave it up to them,” aniya.