Advertisers

Advertisers

Sino nga ba ang dapat sisihin sa spike na ito ng Covid-19?

0 318

Advertisers

PUWEDE bang isisi sa gobyerno ang biglaang pagtaas na naman ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 na yan?

Kung ikaw ang tatanungin, ano sa tingin mo?

Simula nang bumaba ang bilang ng mga nagpo-positibo ay bumaba na rin sa Alert Level 2 ang NCR at ilang kalapit na probinsya.



Magandang senyales sana para sa sinasabing new normal ng ating pamahalaan, ngunit mukhang hindi napaghandaan ang pupuwedeng sapitin ng pagluluwag.

Pero sino nga ba ang dapat sisisihin?

Hindi naman nagkulang ang gobyerno sa pagbibigay ng mga solusyon, ganun din sa mga panawagan at walang sawa sa pagpapaalala.

Unang- una sa bakuna, halos mabakunahan na ang lahat nag tao puwera na lang dun sa mga matitigas talaga ang ulo.

Pangalawa ang walang sawang pagbibigay ng babala na panatilihin ang social distancing at ang pagsusuot nang wasto ng face mask.



Ang katwiran kasi nating mga Pilipino ay ang salitang hindi mapigilan ang isa’t isa sa pagka-miss sa mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Hindi naman problema sana kung sinusunod lang natin ng maayos ang mga health protocols at guidelines ng gobyerno.

Nakalimutan ng mga Pinoy ang unang itinuro sa atin ng pandemyang ito, ika nga mga dear readers basic lang ang tinuturong disiplina sa sarili, pero para sa atin parang hirap na hirap tayong magawa.

Alam naman natin na mas risky ang mga hindi bakunado sa paglabas pero sige lang tayo at hila-hila ang mga ito sa mga galaan.

Wala naman din sigurong magiging problema kung ang lahat ay sumusunod, hindi ba natin puwede na sisihin ang mga sarili natin?

Tayo mismo minsan ang nakakalimot sa mga health protocols at guidelines hindi ba?

Ang virus ay virus, hindi maaalis pero maiiwasan depende sa ating mga Pilipino ‘yan kung tayo ay susunod sa mga eksperto at sa mga ipinatutupad ng gobyerno.

Virus lang ‘yan katwiran ng iba bakit hindi hayaan?

Kung hahayaan ng gobyerno na kumalat ang virus dahil sa hindi natin pagtupad sa mga protocols at guidelines nito, ano pa magiging silbi ng gobyerno?

Ngayon nga na dumarami na naman ang bilang ng mga nagpopositibo sino ba dapat ang sisihin?

Sala sa init sala sa lamig ang bawat galaw ng gobyerno sa atin, walang kakuntentuhan ang bawat isa.

Sabayan pa ng mga may ambisyong pumasok sa maruming pulitika.

Ang kinatatakutan ng iba na ang taong 2022 ay ang ibig sabihin twenty too ehh para bang mauulit lamang ang pagsalubong natin sa taong 2020 na maaari ulit maapektuhan ang buong bansa.

Diyos ko Lord, kayo na po ang bahala ‘wag naman sana dahil sa pagiging matigas ang ulo ng ilang mga kababayan natin.

Sikapin natin bumangon na sa pandemyang ito at alisin ang tila sumpa sa mga numero ng taon.

Lagi nating sinasabi, disiplina lang sa sarili ang kailangan upang ang pandemyang ito ay maiwasan.

‘Wag na natin isisi sa nanunungkulan ang pandemyang ito dahil maging sila ay apektado din.

Maging ang ilang bansang kumpleto na sa lahat ng mga makinarya para makagawa ng solusyon ay apektado din.

‘Wag gamitin ng ilang mga “pulpolitiko” ang virus na ito para mabigay ng kalituhan sa tao.

Sumunod na lang tayo sa mga eksperto at disiplinahin ang sarili.

Global po ang problema na marahil ay dulot na ng ngalit at ngitngit ng mismong mundo sa ating pagpapabaya at pang-aabuso sa kalikasan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com