Advertisers

Advertisers

PACMAN, TALO SI EFREN ‘BATA’ REYES SA BILYAR

0 234

Advertisers

SUMILIP pala sa Mandaluyong City si boxing icon turned senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO nitong Kapaskuhan. Ayon sa ilang mga residente ng Barangay Malamig na nasa liderato ni Kapitan MARLON MANALO, nagulat sila sa pagbisita ni PACMAN.

Nagkaroon daw ng isang exhibition game sa bilyaran na matagal nang naitayo sa residential compound ng mga MANALO roon atsaksi sa mga karanasan ng batang MARLON na humubog sa husay niya sa bilyar at snooker. Nakagawa ito ng pangalan nang makuha ang titulong Billiard/Snooker Champion sa World Competitions.

Anak nina CLARO M. MANALO at CARIDAD REYES na may-ari ng bilyaran sa Barangay Malamig, katorse (14) anyos lang nagsimula sa pool si MARLON. Dahil may narating, hindi na surprising kung sa ngayon ay isang political leader ang batang MANALO.



Sa exhibition game ay nagharap sina PACQUIAO at EFREN‘BATA” REYES kung saan tinalo ni PACMAN si BATA. Aws, tinalo ang WorldChampion sa Billiards ng World Boxing Champion? Pwede raw kayangnagpatalo si BATA sa champion boxer na Presidential bet ngayon para saforthcoming May 2022 polls? Malay naman natin kung sinwerte.

SORPRESANG PAGBISITA NI PACMAN SA MANDALUYONG? NASORPRESA raw ang mga residente roon sa pagbisita ni PACMAN dahil may isyu sa nagdaang konrobersya sa isang panalo ni PACQUIAO kaugnay ng Hero’s Welcome na handog ng Metro Manila thru a parade na iikot sa Kamaynilan. Inisnab daw sila noon ni PACQUIAO.

Dagdag ng impormante, kasunod sa pagdaan ng motorcade ni PACMAN mula MAKATI ayon sa plano ng parada ang inasahang pagdaan sa MANDALUYONG na katabi ng Makati. Todo-handa raw ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagsalubong sa boxing icon tampok ang streamers sa mga pangunahing lugar. Laking disappointment daw ng Mandalenyos na hindi dumaan sa takdang ruta ang motorcade ni PACQUIAO.

Panahon daw yun o termino ni dating Mayor BENJAMIN ’BENHUR’ C. ABALOS, JR. na ngayon ay Chairman ng METROPOLITAN MANILA DEVELOPMEN AUTHORITY (MMDA). SI dating Mayor BENJAMIN S. ABALOS, SR. ang kilalang Sports patron na kumupkop kay PACMAN sa neophyte stage sa Mandaluyong stable at maraming Sports events ang ginanap sa Mandaluyong Gymnasium noon partikular sa boksing. Doon maagang sinaksihan ang mga laban ni PACMAN. Tiyak, masakit daw sa Mandalenyos ang nangyari.

Wala pa po kaming nakukuhang pahayag mula sa pamunuan ngMandaluyong pero bukas po ang aming pahina sa isyu ng magkabilangpanig para sa ikalilinaw nito. Ngayong tumatakbo si PACQUIAO sahighest post ng eleksyon, ewan daw kung kayang ikampanya ni KapitanMANALO si PACQUIAO sa lungsod. Syempre, iba ang laban sa billiards, iba sa boksing at lalo sa political bout. Let’s wait and see!



JANUARY CHEERS

HAPPY BIRTHDAY to Chief MARVIN E. CAPCO and CRISZYLLJOYCE C. SANTOS, EDISON ‘BING’ MALABANAN and KA OSCAR B. ARCEO, all of PIO Mandaluyong LGU, to MARIA KAREN ROSS of Tandang Sora, QC, Mam CHRIZELLE JANE C. SANTOS of AU Faculty of Pasig, JASON S. TALA of San Isidro, Pampanga, and NIKKO ESPENIDA. Best blessings be with you all. HAPPY READING! HAPPY NEW YEAR!