Advertisers

Advertisers

Viva Hot Babe Maricar dela Fuente, talent manager na rin

0 948

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SUMABAK na rin sa pagma-manage ng mga talent ang Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuente.

Tatlo ang talents ngayon ni Maricar, sina Milana Ikimoto, Chariz Po, at Ejay Fontanilla. Si Milana ay bagong contract star ng Viva at naghihintay ng buwena manong project.



Ayon kay Maricar, hindi talaga nakaplano na mag-manage na rin siya ng talents.

“Actually, ‘di planado po iyon. Trying to help out lang sana si Ejay Fontanilla na gustong pumasok sa Viva. Then, kinausap ko po si tita Mhit Pimentel, ang handler ko sa Viva at sinabi niya na magsama ng babae para dalawa sila. So I texted boss Vic (del Rosario) na may dadalhin po ako na talents. A week after, kasama ko na sina Chariz Po at Ejay Fontanilla, good friend sila talaga.

“Expected ni boss na magse-sexy si Chariz, unfortunately di pinayagan ng parents. Then a few weeks after, nag-usap kami ng cousin ko, then I asked her baka may ma-recommend na puwede mag-sexy and then again we found Milana na willing at walang arte… Actually, ang daming nag-send sa akin bago si Milana, kaya lang lahat sila back out, ayaw ko naman magkaproblema, gusto ko yung willing talaga. And doon na nga, na nabuo silang tatlo.”

Dagdag pa niya, “Si Milana Ikimoto ang Bagong Pantansya ng Bayan, naks parang Maui Taylor lang noon, hahaha! Under boss Vic po siya. Si Ejay po from Cebu and si Chariz ay Chinese, under naman po sila kay boss Veronique. Sila po ang mga wholesome na aabangan naman ng mga tao.”

Ano ang hinahanap niya sa isang talent na kanyang aalagaan?



Esplika ni Maricar, “Importante po sa akin yung willing po talaga at mamahalin ang trabaho. Kung paano ko po minahal ang showbiz at kailangan po tiyagaan talaga. Iyong willing maghintay at hindi late darating.

“Basta in short, determination at willing talaga para sa pagsikat. Para lahat kami aangat, sabay-sabay. Lastly mamahalin niya ang work at respect, and vise versa.”

Aniya pa, “Then, wish ko sa kanila siyempre yung best, na ma-achieve nila yung pangarap nila at alam ko ito yung gusto nila talaga, makapag-ambag ng magandang achievements sa larangan ng showbiz. Yung hindi ko po na-achieve noong nag-aartista ako, sana po sa kanila mapunta. Itotodo ko na ang dasal kay Lord na ibigay sa kanila, dahil alam ko po ang achievements nilang tatlo ay achievements ko rin po.

“Ngayon pa lang proud na po ako sa kanila dahil sobra pong mababait at masunurin nila at di sasakit ulo ko. Kaya papalakihin ko silang may takot sa Diyos, may respeto at pagmamahal, lastly good communication ay importante rin … iyan po ang importante na ina-apply ko sa buhay ko, so gusto ko po i-share sa kanila.”

Ka-batch ni Maricar sa Hot Babe sina Sachie Sanders at Zara Lopez. Bukod sa TV guestings, TV commercials, at sexy videos, napanood si Maricar sa mga pelikulang Room 213, Reyna, Miss Granny ni Sarah Geronimo, Lalamunan, at iba pa.