Advertisers
ARESTADO ang dalawang kilalang notoryus drug-pusher, at tatlong iba pa sa magkakahiwalay na drug buy bust operation sa lalawigan ng Bulacan.
Tinatayang aabot sa P.222,360.00 na halaga ng shabu na may timbang na 32.7 na gramo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bulacan PNP.
Sa report na tinggang ni PNP Acting Provincial Director P/Col.Rommel J Ochave kinilala ang mga suspek na sina Emmanuel Encio alyas Rocky, ng St., Louis Compound 3, Malinta, Valenzuela City; at Angelita Ramos alyas Lita, ng Brgy, Abangan Norte, Marilao, Bulacan.
Ganap na 11:30 ng gabi ng madakip ang mga suspek sa Brgy, Poblacion 1 sa bayan ng Marilao via buy bust operation.
Habang arestado rin ang tatlong iba pa na sina Mariano Lopez alyas Rannie, ng Brgy. Bancal Meycauayan City; Edgardo Fallera, ng Brgy, San Pascual Obando; at Rico Dela Torre alyas Forlife, ng Brgy Siling Bata, Pandi Bulacan.
Nakuha mula sa kanila ang ilang plastic sachet ng shabu, at mark money.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.(Thony D Arcenal)