Advertisers

Advertisers

MAMAMAYAGPAG SA ALL-PINOY PCAP

Davao Eagles Chess Squad ...

0 296

Advertisers

NADAGIT ng Davao Eagles ang mga magigilas na manlalaro sa larangan ng ahedres upang maging isa sa koponang kasisindakan sa pag-arangkada ng Season 2 ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All Filipino Conference sa huling bahagi ng kasalukuyang buwan ng Enero.

Inaasahang mamamayagpag ang Davao Eagles sa PCAP All- Pinoy dahilan sa naging liyamado ito nitong nakaraang Sabadong PCAP Annual Draft nang matuhog ng koponan ang naghaharing IPCA champion na si Sander Severino gayundin ang dating national champion na si Jonathan Tan at Kazan Universiade veteran Mary Palero.

Nasa hawla na rin ng Davao sina Philippine chess team coach for differently abled James Infesto, dating De la Salle standout Joey Acedo, FM Roel Abelgas, NM Henry Lopez, NM Alex Lupian, NM Aglipay Obeno, Engr. Allan Diez, Arnel Iton at Anthony Mosqueda.



Ang Davao Eagles nina team owners Atty. Jong Guevarra, SBM Christopher Yap, Giovanni Pimentel at Glenn Paclar ay sumabak bilang panauhing koponan noong nakaraang PCAP San Miguel Corporation Ayala Land Open Conference sa pangunguna ni Infesto ay impresibong nakaabot ng quarterfinal round ng kauna- unahang professional chess league sa Asia.

Ang PCAP ay pinamumunuan nina Chairman Michael Angelo Chua,Vice Chairman Ariel Potot at Commissioner Atty. Elauria.