Advertisers

Advertisers

Manileno muna bago kapritso

0 239

Advertisers

INGAT, ingat mga katoto, ngayong patuloy na tumataas ang covid cases sa bansa, lalo na sa Metro Manila. Ayon sa OCTA research 32,000 o 56% na kaso ay nag-mula sa Kamaynilaan, (3,128 dito ay sa Lungsod ng Maynila, as of Jan. 12.)

Isipin lagi na ang buhay ay mas mahalaga sa lahat, kaysa sa anumang bagay. Ang buhay ay minsanan lamang ‘yan.

Walang second chances!



***

KAYA tama ang mga programa iniaalok ng ekonomista si Atty. Alex Lopez, tumatakbo Alkalde ng Maynila sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ng Bongbong-Sara tandem, at nag-iisang katungali ng dermatolohista si VM Honey Lacuna.

Aniya, ang maling prayoridad na ginawa ng mga opisyales ng city hall sa gitna ng pandemya sa kabila ng napakalaking badyet, (P20 bilyon noong 2021 at P22.5 bilyon ngayong 2022) ang dahilan kung bakit lumalala ang problema sa Maynila.

Inuna kase ang kapritso, kaysa sikmura ng Manileno!

***



MAKAPAGHIHINTAY naman kase ang mga imprastraktura, mga gusali at iba pa “beautification projects” kaysa sa buhay at kabuhayan ng mga tao — ng mga Manileno.

Manileno muna dapat. Dahil makakapaghintay rin naman ang mga hayop sa Manila Zoo (may P1.9B ginastos dito) hindi mawawala ang mga hayop.

Ang dami buwaya makukuha d’yan sa city hall!

DAMI POSITIBO EMPLEADO

SA Manila city hall pa lamang. ang dami ngayon kawani at empleado ang nag-positive sa covid. ‘Yun dati nakikita natin parang palengke sa loob ng city hall, ngayon parang sementeryo na.

Kung mahusay talaga ang kampanya at programa ginagawa kontra covid sa Maynila, bakit nagkakaganito, ang dami infected, ang dami cases?

Ang tanong, nasaan ang pera ng Manileno?!

***

NANGUTANG ng P15 bilyon, may appropriation budget na P22.5 bilyon ngayong 2022 , nagbenta ng patrimonial property na P10B, anyaree?

Naku, ayokong isipin na ang mga nabanggit na kwarta, hindi birong kwarta ha? bilyon ito, hindi milyon piso, ay gagamitin nila kampanya ngayong eleksyon bilang deodorizer o pantakip sa mabaho nilang pagkatao sa mga Manileno.

Tsk..tsk…para ka tuloy ginigisa sa sariling mantika!

MASAMA ANG LOOB NG MGA BRGY OFFICIALS SA MAYNILA

IKINASASAMA pala ng loob ng maraming barangay officials sa Maynila ang hindi pagkilala sa kanila ng Manila City Govenrment sa ginagampanan nilang papel ngayong pandemya.

Tanging ang Maynila lamang ang hindi nakapagbigay ng hazard pay sa mga brgy officials, tanod, gayong sila ang humaharap sa peligro ng mga covid positive sa kanillang komunidad.

Sigaw nila, rontliners din naman kami!

***

MABUTI pa pala ang Quezon City Government na naglaan ng P200 per day na hazard pay sa mga barangay chairman, kagawad, at tanod.

Pinunan naman ito ng bawat barangay ng P300 para maging P500 per day ang hazard pay na matatangap ng bawat barangay personell na du-duty sa panahon ng pandemya.

Ganyan magmalasakit si QC Mayor Joy Belmonte sa barangay, makatao, ‘di makahayop!

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)