Advertisers

Advertisers

Sinong sasama kay VP Leni?

0 255

Advertisers

BAGAMA’T apat na buwan nalang ay halalan na, open parin si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa unification with presidential candidates na hindi kaalyado ni Pangulong Rody Duterte.

Ang rason dito ni VP Leni ay upang lumakas pa at tumaas ang bilang ng kanyang supporters.

Sa mga survey, si Robredo ay mayroon lamang higit 20 percent, kumpara sa nangununang katunggali na si dating Senador Bongbong Marcos Jr. na nasa 50 percent plus.



Eh sino-sino ba ang maaring makipag-unify kay Robredo na hindi kaalyado ni Duterte? Eh halos ang tatlo pang sikat na presidential candidates na sina Senador Ping   Lacson, Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno ay identified sa Duterte administration.

Kunsabagay, ang nabanggit na tatlong presidential aspirants ay inaway narin ni Duterte lately.

Si Lacson ay minsan nang sinabihan ni Duterte na walang kridibilidad, habang si Pacquiao ay sinabihang “bobo”, at si Isko ay sinabihang “pokpok”.

Obviously ang mga presidentiable na ito ay umaagwat narin kay Duterte dahil pawala narin sa kapangyarihan ang huli.

May mga Marites na nagsasabi na si Lacson ay gustong makipag-unify kay Robredo pero may ilang kondisyones na imposible pero posible namang mangyari.



Gusto raw ni Lacson na kapag sumanib siya kay Robredo, kailangan ang kanyang running mate na si Senate President Tito Sotto ang maging running mate ni Robredo. Aray ko!

Ang kasalukuyang running mate ni Robredo ay si Senador Kiko Pangilinan.

Sina Sotto at Pangilinan ay nakabuntot sa mga survey sa running mate ni Marcos na Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pagulong Duterte.

Kapag isa kina Pangilinan at Sotto ang nagwidro, lalakas ang kandidatura ni Robredo at hihina rin ang laban ni Sara.

Pero mas lalakas ang kandidatura ni Robredo kung ang magwidro ay sina Isko at Pacquiao at susuporta nalang ang mga ito sa kanya.

Imposible mangyari ang mga tinuran kong ito, pero maaring maganap kung talagang ayaw nina Pacquiao at Isko na manalo si Marcos.

At mas lalakas pa ang kandidatura ni Robredo kung pati si Lacson ay sasanib sa kanya nang wala nang kondisyones pa. Mismo!

Sina Lacson, Isko at Pacquiao ay malayo sa mga survey kina Marcos at Robredo.

Talagang sina Marcos at Robredo lang ang naglalaban sa ngayon sa mga ginagawang survey online, sa radyo at sa diyaryo. Pramis!

Ang problema ay ayaw maniwala nitong tatlo na sila’y mahina. Naniniwala sila na sila’y mananalo. Na ang tunay na survey ay mangyayari sa Mayo 9, araw ng eleksyon…

Kunsabagay may isa pang malaking tsansa sino man sa tatlong ito kapag na-disqualify sa kanyang kandidatura si Marcos.

Batid natin na si Marcos ay nahaharap sa disqualification case dahil sa kanyang conviction sa hindi pagbabayad ng tax sa loob ng apat na taon noong gobernador siya ng Ilocos Norte.

Ang resolution sa petition na ito laban kay Marcos ay lalabas daw sa Enero 17, deadline para simulan ang pag-imprinta ng nga balota para sa May 9 election. Kaabang-abang ito.

Tutukan!