Advertisers
HUMIHINGI ng paumanhin ang Philippine Airlines (PAL) mula sa mga pasahero nito.
‘’Yan ay dahil sa kinailangan ng PAL na magsagawa ng biglaang kanselasyon ng mga flights nito.
Walong flights ang naapektuhan na pawang domestic, mula Maynila patungo at pabalik mula Bacolod, Cebu , Gen. Santos City, Cagayan de Oro at Iloilo.
Ayon kay PAL spokesperson Ma. Cielo Villaluna, hinihingi nila ang pag-unawa na mg apektadong pasahero matapos mapilitan ang PAL na mag-kansela ng mga flights dahil na din sa bilang ng mga crew nito na hindi makapasok dahil naimpeksyon ng COVID-19.
May mga iba namang nagpapakita ng sintomas kung kaya’t kailangan nilang sumailalim sa quarantine o isolation nang ilang araw. Yan ay sa kabila ng tuloy-tuloy na pagbibigay nila ng bakuna sa kanilang mga kawani.
Samantala ay minamadali naman ng Cebu Pacific ang mga hakbang nito para maprotektahan ang kanilang mga pasahero laban sa virus, sa pamamagitan ng mabilisang rollout ng booster vaccination para sa mga empleyado nito.
Ang CEB/JG Covid Protect Booster Vaccination Program ay bukas para sa lahat ng kawani nito, kahit pa ang ang unang dose na tinanggap ay hindi mula sa opisina nila.
Nito lang January 11, 2022, ang CEB ay nakapagbakuna ng 200 employees sa ilalim ng booster vaccination program ng Gokongwei Group’s COVID Protect. Tuloy-tuloy ang programang magbabakuna ng booster shots sa 200 empleyado kada araw, sa pangunguna ng CEB subsidiaries.
Hindi nahinto ang CEB sa paghimok sa mga empleyado nito na kumuha ng proteksyon sa pamamagitan ng bakuna sa lalong madaling panahon. Sa katunayan ay nakipag-partner pa ang CEB sa Pasay local government unit at sa Project Balik-Buhay of Cebu, gayundin sa mga LGU vaccination programs kung saan nakatira ang mga empleyado.
“We have been operating with 100% fully vaccinated active flying crew since October 2021. As we continue to prioritize the safety of our passengers and crew alike, we are very happy to intensify our efforts amidst this evolving situation. Together, we will boost up for safer skies,” ani Candice Iyog, Ceb spokesperson at Vice President for Marketing.
Aniya, patuloy na pinaiigting ng CEB ang pagbibigay halaga sa kaligtasan ng pasahero sa kabila ng maraming hamon, habang naghahanda sa muling pagbangon ng air travel industry na tila mauudlot na naman dahil sa Omicron.
Ang mga piloto at cabin crew ay sumasailalim umano ng regular antigen testing (Test Before Duty) bago sila i-assign sa anumang flights.
“All CEB aircraft undergo extensive daily disinfection, which includes the misting of the cabin using a disinfectant approved for Airbus jets that is effective in eradicating viruses including the Novel Coronavirus. This process also ensures that all surfaces (such as passenger seats, overhead bins and cargo compartments) are covered and sanitized,” pagtitiyak pa ni Iyog.
Dagdag pa niya: “Our fleet of Airbus jets are equipped with hospital-grade High Efficiency Particulate Arrestor (HEPA) filters that are capable of filtering microscopic bacteria and virus clusters, including the COVID-19 with 99.99% efficiency.”
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.