Advertisers

Advertisers

Philippine Judo Team Susulitin ang Gold Medal Haul sa 31st SEAGames Vietnam

0 359

Advertisers

MALAGPASAN ang gold medal haul noong nakaraang SEAGames Philippines 2019 ang misyong bunuin ng Filipino judokas sa kanilang pagsabak sa parating na 31st Southeast Asian Games Vietnam na maidaraos rin sa Mayo 2022 sa Hanoi.

“Minimum of 3 golds at posibleng malagpasan pa dahil sa malaking angat ng ensayo ng ating mga judokas lalo pa’t napahaba ng ating paghihintay at komprehensibong preparasyon dahil sa pandemya”, pahayag ni Philippine Judo Federation secretary general David Carter.

Matapos ang mahabang sakripisyo at pagka diyeta sa training dahil sa pagtupad sa atas ng IATF (task force vs covid-19), ay lalong tumaas ang adrenaline ng mga potensiyal na national judo team natin( men and women) na nagnanais nang magkaroon na ng aktual kumpetisyon at face-to-face training.



“Nakuntento muna kasi silasa virtual at bubble set up na ensayo last year upang makondisyon ang ating judokas amidst pandemic covid.19 Hopefully makakapag-ensayo na sila at magkaron na ng actual competition bilang preparasyon sa Vietnaman SEAGames”, ani pa Carter- ang dating PJF president na posisyon na ngayon ni dating collegiate multi- medalist judoka ng Ateneo de Manila University at naging head coach ng Blue Eagles judo team na si Alexander Sulit matapos ang PJF election kamakailan.

“ Bukod sa ating mga pambatong Fil- Japanese athletes na nakakasiguro ng ginto, lahat na ating nasa national team roster ay potensyal na makapag- uuwi ng medalya mula Vietnam,” wika ni PJF president Sulit na optimistikong masusulit ang kampanya ng bansa sa naturang biennial event na nakatakda dapat noong Nobyembre-Disyembre 2021 pero naipagpaliban dahil sa covid surge.

Ang nasa talaan ay binubuo ng mga potensyal na na mapipilingn elite homegrown at Fil- foreign judokas na susungkit ng madalya sa Hanoi na binubuo nina Franco Teves,Alvin Mendoza, Helen Dawa, Noemie Candari, Daryl John Mercado, Shugen Nakano, Bryan Quillotes, Keisei Nakano, Jackielou Escope, Lloyd Dennis Catipon, Gilbert Ramirez, Carl Dave Aseneta, John Viron Ferrer, Shin Matsumura, Kado Nakano, Rick Jayson Senates , Marco Tumampad, Megumi Deldago, Khrizzie Pabulayan, Ma. Jeanalane Lopez, Rena Furukawa, Mariya Takahashi, Ryoko Salinas, Jenielou Mosqueda at Tokyo Olympian Kiyomi Watanabe.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">