Advertisers

Advertisers

Russell palit kay Russell!

0 288

Advertisers

NASA kalahatian na ang NBA 2021-22. Karamihan ng mga koponan nakalaro na ng 41 na laban sa 82-game season.

Ang sentimental favorite na Lakers nasa .500 mark lang na may 21 W at 21 ding L.

Nang kinuha nila si Russell Westbrook ay lumakas daw ito lalo dahil sa bagong Big 3. LeBron James-Anthony Davis at Russ.



Sa mga friendly match na anim wala silang naipanalo. Nag-aadjust pa raw sabi.

Kaso nang nagsimula na at kitang hirap ang line-up magwagi at bigyan pa raw ng kaunting panahon.

Marami raw may injury pati napunta sa health and safety protocols. Pero ganoon din naman ibang prangkisa.

Hala naubusan na ng dahilan. Excuses pa more.

Gumawa sila ng paraan upang mapasakanila ang LA native na si Westbrook sa paniwalang malaking tulong ito.



Pampagaan daw ng load ni LBJ. Pampahaba rin ng career ni King James. Insurance rin sa madalas na may iniindang sakit na si AD.

Ang siste lalo pa ngang tumaas ang oras nito sa loob ng court, Pinagsentro nila kasi ang tinuturing ng ibang GOAT.

Nag-small ball pa sila para raw sa spacing ni RW gaya noong nasa Houston ito kakampi si James Harden.

Ngayong lumalapit na trade deadline ay abala sila na pinag-aaralan ang mga susunod na hakbang para isalba ang taon.

Oo, kasama na ang pag-trade kay Brodie na hirap mag-fit sa team. Hindi nga siya lumalayo sa career averages niya nguni’t hindi natuloy na pababain ang minuto ng jersey#6 nila. Last 3 games ay ni hindi lumagpas ng double figure ang score ng naturang guard kaya mahigit 30 parati ang 37 anos na noong Disyembre.

Ang problema ni GM Rob Pelinka ay kakaunti ang pwede makapalitan ni Westbrook 1 on 1 sa laki ng suweldo na $44M na may player option pang $47M sa 2022-23.

Kaya ang mungkahi ni Tata Selo ay ipakete ito sa ibang player. Hindi daw sa mga bata at murang sahod na sina Talen Horton-Tucker o Kendrick Nunn kundii kay Anthony Davis ($35) para may maengganyo. Oo si LeBrow kasi alangan naman si LeBron.

Yun ang magsweeten ng pie.

Halimbawa daw sa Timberwolves para kina Karl Anthony Towns ($31) at D’Angelo Russell ($30).

Maaaring ipackage pa si Taurean Prince ($13) o si Malik Beasley ($14) o si Patrick Beverley ($14) na kulang pa rin sa total na perang sangkot nguni’t madali na gawan ng paraan yan sa luxury tax.

Mas babata ang mga kasama ni LBJ at maiiba kapalaran nila kahit magkahiwalay ng buddy na si Davis.

Hala marami maiinis sa iyo ngayon Tatang nguni’t may punto siya.

***

Mamaya tunghayan ang panayam namin ni Bob Novales kay Rolando Bohol ang dating world champ natin sa boksing. 10 AM hanggang 12 NN sa Boomers’ Banquet sa Facebook at You Tube. Alamin sikreto niya sa matagumpay na buhay pagkaretiro sa pro ranks.