Advertisers

Advertisers

Isko humingi ng pang-unawa dahil sa delay ng resulta ng libreng RT-PCR tests

0 398

Advertisers

HUMINGI ng pasensya at pang-unawa si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno sa publiko at sa mga sumailalim sa libreng RT-PCR tests o swab sa lungsod dahil sa delay na paglabas ng resulta nito bunga ng kakulangan sa kanilang manpower.

Ayon kay Moreno, base sa ulat mula sa Sta. Ana Hospital Director na si Dr. Grace Padilla, 14 na empleyado mula sa molecular testing laboratory nang nasabing ospital ay infected ng COVID-19 at kasukuyan ngayon na sumasailalim sa quarantine.

“I would like to be honest with all of you. While our goal is 24 hours when it comes to releasing the results of swab tests, that cannot be done at the moment due to the depletion of our personnel in charge of the laboratory where the samples are being taken for analysis,” sabi ni Moreno.



Sinabi ng alkalde na ang mga apektadong personnel ay hindi kaagad mapalitan dahil ang mga ito ay nagtataglay ng special skills at knowledge na kailangan para sa specific functions.

“Since Day 1, ang goal natin is within 24 hours, makuha na sana ang resulta ngunit kailangan kong maging tapat sa inyo, dahil 14 of our employes sa molecular lab ay infected at naka- quarantine. So ibig sabihin, ang epekto nito is babagal po ang paglabas ng resulta kasi nga undermanned tayo,” sabi ni Moreno na idinagdag din na ang resulta ay umaabot na ng 72 oras bago lumabas.

Binigyang diin ni Moreno na ang city government ay maraming makina para sa swab test analysis , pero ang problema ay mismong ang manpower.

Ganunpaman, tiniyak ni Moreno na ang libreng swab testing sa Manilans at non-Manilans ay patuloy na ipagkakaloob sa Maynila.

Sinabi rin ni Moreno na sinuman ang mangailangan ng antigen tests ay puwedeng magpunta sa kahit na anong city-owned hospitals dahil ito ay ipinamimigay din ng libre.



Maliban sa Sta. Ana Hospital, sinabi ni Moreno na ang free swab tests ay ibinibigay din sa mga sa city government-run hospitals at drive-thru facility sa Quirino Grandstand sa Luneta. (ANDI GARCIA)