Advertisers

Advertisers

Dahil sa pandemic… Derek pinasuspinde ang career sa Siyete

0 204

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMI sa mga loyal supporters ni Derek Ramsay ang naiinip na mapanood muli ang kanilang idolo sa telebisyon o sa movie man. Huling nagawang serye ni Derek bilang GMA contract star ay last 2019 pa, ang “The Better Woman” kasama si Andrea Torres, na na-develop ang kanilang relasyon na naging sanhi na pansamantalang ‘pamamahinga’ ni Derek sa paggawa ng serye plus inabutan pa ng health crisis.

Ngayon na may new normal way ang taping at kahit paano ay pwede nang gumawa ng serye ay nagbeg-off pa rin si Derek, for health reason. Siya dapat ang main lead actor ng “To Have And To Hold”, na binigay na kay Rocco Nacino, kasama sina Carla Abellana at Max Collins.



Sa pagpasok ng 2022 ay naglatag ng mga bagong show ang GMA 7, marami–rami ito at kapuna-puna na walang naka-line-up para kay Derek, ano na kaya ang plano ng Kapuso Network para sa karir ni Derek, tuluyan na kayang tapusin na lang ng GMA 7 ang kontrata ng aktor at di na kunin muli?

Sa isang panayam ay sinabi ni Derek na nagkasundo na sila ng Kapuso Network pagdating sa kanyang karir at parehong sumang-ayon ang magkabilang panig na freeze na muna ang kontrata ni Derek, as in  indefinite suspended.

Sa naturang agreement ay walang binigay si Derek kung kailan siya muling gagawa ng project sa GMA 7 at ang binigay niyang rason na tinanggap naman ng maluwag ng Kapuso Network ay hindi pa raw handa si Derek sa mga lock-in tapings. Maaring para na rin sa seguridad ng kanyang pamilya lalo pa nga’t nagsisimula palang ang aktor sa panibagong yugto ng kanyang pribadong buhay, ang buhay may-asawa. Parang Marian Rivera-Dantes lang ang peg.

***

TAON na rin ang binilang bago tuluyang matapos ni Bianca Umali ang tapings ng “Halfworlds” third season, isang serye ng  half-human, half-engkanto heroine ng HBO Asia’s original series.



Maraming naging dahilan kung bakit na-delay nang husto ang pagpapalabas ng serye ni Bianca. Una ay sa preparasyon palang ay inabot na sila halos ng mahigit isang taon mula sa training hanggang sa rehearsals. Dagdag pa rito ay inabot sila ng World Health crisis kaya hinto na muna ang  tapings.

Buong akala ni Bianca ay matatagalan pa o tatapusin muna ang problema sa pandemya pero nitong last quarter ng taon ay nagsimula na silang  mag-taping at natapos din ang  third season episode.

“Sa ngayon, they are finishing editing na po. So hopefully, maybe by third quarter of this year, baka ma-launch na rin po kami,” say ni Bianca.

Kinuwento rin ni Bianca ang pinagdaanan niyang preparasyon bago tuluyan mag-taping ng “Halfworlds”.

“We were actually given time to prepare and to train for the whole series kasi it is a fantasy-series focusing on the folklore of our country. So, sword fighting siya and we were given time to train. Actually, ‘yung process kasi na sinusunod nila, since it’s an international project, parang Hollywood system.

Just like in Hollywood, just like in Marvel movies, they’re given time, months, years even, to prepare and to just train kung ano ‘yung scenes na kukunan. It was the same for us. We had a long preparation time, we had so many workshops, and so many costume fittings. So yes, there were a lot of preparations,” dagdag na say ni Bianca.