Advertisers

Advertisers

Ejay Fontanilla super happy nang maging Viva contract artist

0 468

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAGPAHAYAG ng labis na kagalakan si Ejay Fontanilla sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging contract artist ng Viva.

Ayon sa aktor, “I’m super happy. Kasi noong may nagawa akong projects under ng Viva, sabi ko balang araw magiging exclusive artist din nila ako.



“Ang dami kong sign na hiningi kay God kung mag-Viva ako. Ilang days na lang bago ang contract signing, pero lahat ng sign na ibinigay Niya, puro positive. So nag-go ako. Kaya sobrang saya ko, lalo pa ang handler ko (Maricar), na sobrang maalaga sa amin.”

Nag-start ang showbiz career ni Ejay noong 2006. “Nag-start ako sa Cebu po, I’m a Visayan actor and lumalabas ako sa CCTN (Cebu Catholic Television Network) 2006-2007.

“And then, gusto kong maglevel-up kaya sumali ako sa mga auditions noong nasa Cebu pa ako. Sabi ko sa aking sarili, ‘Pagdating ko ng 20 years old, kapag hindi pa ako makuha ay makikipagsalaran ako sa Manila’. Kaya ayun, napunta ako rito sa Manila last 2010.”

Ano na ang mga naging projects niya? “Noong pagdating ko sa Manila, naging regular talent ako sa GMA-7. Like yung Tweenhearts at iba’t ibang shows pa roon. Sa Pepito Manaloto… naging suki rin ako rati sa Magpakailanman at Kapuso Mo Jessica Soho… Nag-movie na rin ako at TV commerical before.”

Paano siya napunta sa pag-aalaga ng Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuente?



Tugon ni Ejay, “Before, naging road manager ako sa alaga kong si Ashley Sarmiento (Young Dyesebel), Goin Bulilit… GMA artist na siya ngayon. Hawak siya ni Kuya Vic Naynes, na naging boss ko. Pero nag-resign din ako kasi nag- focus ako sa sarili ko. After 8 years, nag-manage na ulit si Kuya Vic at binalikan niya ako. Sa pagbalik-manage niya, ang dami niyang plano for me, pero nauwi rin sa wala lahat since he passed away last March 2021.

“Actually, kaya nakilala ko si Maricar, kasi friend din siya ni Kuya Vic and she helps me out sa Viva. Instead of pagbalik niya as artista, nag-manage na lang siya.”

Ano ang masasabi niya kay Maricar bilang talent manager? “Ang masasabi ko sa kanya is, paranoid. Hahahaha! Kasi, lagi siyang nag-aadvice sa akin, sa aming tatlo nina Chariz Po at Milana Ikimoto (dalawa pa sa talents ni Maricar), na gawin ang mga dapat, maging mabait palagi…

“Super maalalahanin siya. Like yung pabalik na ako ng Manila from Cebu, sabi niya, ‘Huwag kang magtatanggal ng mask sa airport, lalo sa eroplano, tiiisin mo ang gutom kahit isang oras lang. Kasi kahit kaunting ubo lang, sasabihin agad ng mga tao, virus na raw.’

“So siya, ginagawa niya talaga ang lahat para maging mabuting handler siya. And so far, for me, she’s the perfect manager!” Masasayang saad pa ni Ejay.