Advertisers

Advertisers

Habang nagyeyelo ang paligid… Anne nakabikini habang nagsu-swimming sa Finland

0 218

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

TILA wala pa sa isip ni Anne Curtis Smith at kanyang husband na si Erwan Heussaff at anak nila na si Dahlia na bumalik ng Pinas dahil mula sa France ay nagpunta pa sila ng Finland para magliwaliw.

Sanay na nga si Anne at pamilya sa sobrang lamig kesehodang nagyeyelo pa ay tila hindi na sila apektado sa freezing temperature sa Lappi Finland dahil nag-enjoy ang baby nila na si Dahlia sa kanyang Winter Wonderland vacation habang namamasyal  ito sakay ng sleigh na hinahatak ng reindeers.



Ipinost ni Anne ang mga photos sa kanyang Instagram ng scenic views ng Finland  at kasama na nga rito ang larawan niyang naka-bikini habang nakababad sa swimming pool kesehodang nagyeyelo ang paligid.

“The cold never bothered me anyway,” caption ni Anne.

Ang maganda pang balita kay Anne at kanyang pamilya ay nasa mabuti silang kalagayan at hindi tinamaan ng virus.

Tila natagpuan na nga ni Anne ang lalaking magpapaligaya sa kanya at makakasama habambuhay sa piling din ng kanilang panganay na anak na si Dahlia.

Sa mga barakong nangangarap pa rin sa ganda at kaseksihan ni Anne ay tila nandoon pa rin ang lakas ng charisma ng actress. Mistulang dalaga pa rin ito tingnan hanggang ngayon.



***

Heart pinatitigil na ni Chiz sa kaka-shopping

Sa vlog ni Heart Evangelista kasama ang husband na si Chiz Escudero ay diretsahan nang sinabihan ng huli ang una na tumigil na sa walang katapusang pagsa-shopping.

Nasabi kasi ni Heart na kaya siya tanggap ng tanggap ng trahaho ay dahil slave siya sa kanyang expenses.

Na sinagot ni Chiz ng, “then control  your  expenses so you don`t  have  to be a slave.”

Tanong tuloy ni Heart, “ ano`ng  gagawin ko sa States habang nando`n  ako, nakatulala?” na sinagot ni Sorsogon Governor ng, “magbasa ng libro.”

Sabi ni Heart, “grabe naman yung magbasa ng libro. Buong araw?”

Sumagot uli si Chiz, “kesa naman mag-shopping buong araw.”

Ang punto kasi ni Chiz ay mula pagka-bata ay puro pagsa-shopping na ang ginagawa ni Heart  kaya  it`s about time na tigilan na raw nito.

Tanong ni Heart sa husband kung may pagkakataon ba na na-bother ito sa kanyang expenses.

“Of course. Just yesterday for example. OA kasi. Again, contentment. You have to be happy with what   you have. Hindi  mauubusan ng bagong bag, hindi mauubusan ng bagong relo, bracelet, bagong damit, bagong gamit sa bahay. Palaging may lalabas yan – bukas, makalawa, next  week, next month, next year.

“Tantanan na Tigilan na. Hindi naman tayo nagkukulang, Tama naman,” nakangiting say ni Chiz pero alam mo na seryoso.

Sumang-ayon naman si Heart sa sinabi ng mister.

“Totoo naman. Gets  ko naman yun,”  aniya.

Tanong ni Chiz, “kelan mo gagawin?”

Ang sinagot naman ni Heart ay, “ngayon, gagawin ko na. I`m sure there`s going  to be an event, a really beautiful event  in my life when things will shift  for  me.”

Pero kontra ni Chiz na hindi naman daw kailangang hintayin pa yun ni Heart.

“Noted” say naman ni Heart.