Advertisers

Advertisers

Heart tila batang pinagalitan ni Chiz sa dami ng bags

0 205

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA vlog ng aktres na si Heart Evangelista ay naka- OOTD ito habang nahagip naman ng camera ang pagpasok ni Chiz Escudero.

Ini-ask nito si Heart kung nagawa na ba ang light ng kanyang closet.



Bigla naman natuon sa dami ng bags collection ni Heart ang atensyon ni Chiz.

Kaya sinabihan ito na ang dami  nitong bags.

Sagot  naman ni Heart magulo lang kaya inaayos nito kaya nagmukhang madami.

Sabay sabi ni Chiz na bawas-bawas naman daw para makabili ulit siya ng bago.

Napa-hmmm na lang si Chiz sabay labas sa room kung saan nagbla-vlog si Heart.



So, alam na this na may bago na naman bag na target si Heart.

Kapag wala na nga raw spark ay saka naman nagbebenta si Heart.

Marami namang nagkomento na mga kaibigan nito na si Megan Young ay naka-relate pa sa vlog na ‘yun ni Heart ganun din daw siya pagsabihan ng asawang si Mikael Daez sa kanyang keyboard.

***

Jessy kinastigo, niresbakan at nilektyuran ang basher

SA vlog video ni Jessy Mendiola ay ipinakita at pinost na naman nito ang kanyang pagwo-work out.

At everyday nga niya ginagawa ang pag eehersiyo.

Pero may mga netizen na kumontra sa regular na work out ng esmi ni Luis Manzano.

Tila di nila nagustuhan ang always na pagwo-work out ng actress- vlogger.

Kaya may nagkastigo na netizens kay Jessy na paano raw ito mabubuntis kung puro page-exercise ang pinaggagawa nito sa araw-araw.

Puwede naman daw mag ehersiyo na mga magagaan lang at simple lang.

Feeling naman ni Jessy ay nakikialam na ang netizens kaya niresbakan niya ito na ‘di mabibigat ang binubuhat niya at 5lbs lang daw ito.

May mga nabasa nga raw ito sa website na ibinahagi nito sa mga epal na netizens na mas madali raw mabuntis ang mga mahihilig mag-exercise kumpara sa walang ehersiyo.

Kaya naman daw ito nage-exercise ay para mabuntis agad ayon na rin sa nabasa nito.

Malay naman natin pagdating ng first wedding anniversary nina Jessy at Luis sa February 21 2022 ay makabuo na sila at makatulong ang pagwo-work out ng aktres.

Well, well, well…’Yun na!