Advertisers

Advertisers

Nahawa pati 2 anak… Danica nagka-Covid nang magpa-booster; Sue idiniin, Jodi nanlalamon sa akting sa husay

0 196

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI ni Danica Sotto sa kanyang IG nang magkaroon siya ng Covid matapps na magpa-booster shot.

Akala nga lang ng anak nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie ay simpleng mga side effect lang.



Sumakit ang throat nito dahilan para lagnatin at sumakit ang mga kalamnan na akala nito ay saglit or isang araw lang.

Kaso nag-aalala na nga ang misis ni Marc Pingris baka kung ano na ‘yun.

Ayun nung magpa check up at magpa-PR- CPR test ay Covid positive na si Danica.

Mas naloka naman si Danica na pati dalawang anak ay nahawa rin na sina Michael at Ceala.

Kaya naman nag-self quaratine ang mag-iina at nagmistulang nurse naman si Marc sa dalawang anak at misis nito.



Thankful naman si Danica at ‘di nahawa si Marc.

Kaya di maialis kay Vic ang mag-alala noon dahil 2 nitong anak ang nagka-Covid, sina Danica at Mayor Vico Sotto.

***

DATI ay idolo lang nito si Jodi Sta. Maria at ngayon nga ay magkasama na sila ng kanyang idol sa serye, ayon kay Sue Ramirez.

Natatandaan ni Sue na noong bata pa siya ay nag-shoot si Jodi sa Multi National Village at dahil sa kagustuhan na makita ang idolo ay nag-bike ito at nung nandun na ay piniktyuran niya raw sina Jodi at Thirdy.

Kaya flattered naman ito na ngayon ay kasama na niya ang award winning actress na si Jodi sa project.

Dagdag paglalarawan pa ni Sue na isang mabuting tao, mabait at mapagkumbaba si Jodi.

Never nga raw itong nagagalit at lagi na lang itong kalmado.

Kahit nga si Sue kapag umiiyak ay kinakalma rin ni Jodi at nagte-text ito ng ‘hope you’re better today’ kaya natutuwa naman si Sue na nakasama njya sa serye ang idol.

Pero iba nga raw kapag umakting na si Jodi na parang halimaw na lalamunin ka nang buong-buo pag di mo nasabayan.

Well, well, well…’Yun  na!