Advertisers

Advertisers

Regine certified ‘Marites’

0 214

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang Instagram account, ibinahagi ni Regine Velasquez ang listahan ng mga pangalan ng mga mosang o marites.

Tinawag niya itong the “New top 39 Marites sa Pilipinas.”



Hindi naman niya sinabi kung saan ang source niya ng nasabing listahan.

Kasama ang pangalan niya sa mga aficionado ng chismis republic at number 29.

May caption ng humor ang kanyang post na: “alam na nila.”

Nasa top 10 ng listahan ng mga tsismosang sina Aida, Lourdes, Flor, Shirley, Linda, Beth, Kristina, Vicky, Roxanne at Nicole.

Nag-react naman sa inilabas niyang list ang ilang celebrities.



Sey ni Vina Morales: “Hahahah, buti wala Ako dyan.haha”

Komento naman ni Jed Madela: “hehehe nasa top 3 ang p. a. ko.”

Hirit naman ng Ilan, maaaring mosang ang “Asia’s Songbird” but in a good way ang kanyang pagiging ‘marites’.