Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PRESENT ang young actor na si Diego Loyzaga sa ginawang virtual presscon ng kanyang movie na “The Wife” ng Vivamax at mapapanood sa Feb. 11, na may bago na naman siyang makakatambal na si Louise delos Reyes kasama ang palaban at baguhang sexy star na si Cara Gonzales na isa sa pinakilala sa movie na “Pornstar 2”.
Kasalukuyang nasa Amerika si Diego habang naka-attend sa naturang virtual presscon. At tulad ng inaasahan ay natanong ang young hunk actor kung bakit iniwan niya ang partner na si Barbie Imperial at nag long journey mag-isa sa US.
Ayon kay Diego, ang malungkot na katotohanan daw kung bakit hindi nakasama sa kanya si Barbie ay dahil wala itong blue passport at visa.
“I came here in US all of a sudden. Like, I came here like it wasn’t planned. I booked my flight a day before I left. Even if she wanted to come here, she couldn’t have come here. She needs a visa, I think,” say ni Diego.
Aliw na aliw daw si Diego sa Amerika at naituring na niya itong second home kahit pa first time palang niyang nakatapak sa naturang bansa.
“I’m really loving the United States. Of all the countries I’ve been to in the world, it’s the first time that I’ve been to the United States of America. I think I found a home in this place, to be honest. I really love it here. I feel really valued here. Every State I go, I hang out with different people. I’m in LA with some family and friends, some homies that I should have met way, way back but I met them now,” dagdag na say ni Diego.
***
NAGSIMULANG matutong magtiktok noong kasagsagan ng pandemya sa bansa si Sanya Lopez. Minsan ay kasa-kasama ang kapatid na si Jak Roberto at gf nitong si Barbie Forteza. At nang magsimula na ulit mag-taping in a new normal way ay hindi iniwan ni Sanya ang kanyang nakahiligang Tiktok bagkus ay gumagawa pa rin siya ng content sa set ng seryeng ginagawa during breaktime at karay-karay pa ang co-actors niya sa naturang serye.
Nitong huli nga ay nag-trending pa ang tiktok na ginawa nila ni Rabiya Mateo, na magkasama sila sa mini-series na “Agimat Ng Agila”
Ngayon ay nagbunga na rin ang tiyaga ni Sanya sa pagti-Tiktok dahil sa kasalukuyan ay 12M na ang kanyang followers and still growing up.
Kaya sa kanyang social media account ay nagpaabot si Sanya ng labis na pasasalamat sa kanyang followers na gumawa sa kanya bilang isang Tiktok certified superstar.
At nilagyan pa niya ito ng caption na:
“Cheers to 12M with heart emoji love you!”
Sa ngayon ay bising-bisi si Sanya sa Book 2 ng super hit na serye nila ni Gabby Concepcion, ang ‘First Yaya’ na may working title na ngayong ‘First Lady’ kasama si Alice Dixson.