Advertisers
Ni BETH GELENA
KAMAKAILAN ay may post si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account na sinusukat ng kanyang bunsong anak na si Xavi ang taas nilang mag-ina.
Ani Ibyang, nalungkot siya nang sabihin ni Xavi na mas matangkad na ito kesa sa kanya.
Kaya naman pabirong sabi ng aktres na mag-aantay na lang daw siya ng kanyang magiging apo dahil malaki na ang kanyang baby. Sa kanyang sinabi ay tinag niya ang dalawang anak na sina Ria at Arjo.
Maging ang girlfriend ni Arjo na si Maine Mendoza ay tinag din ni Sylvia.
Halos mga komentong pumasok sa socmed ni Ibyang ay pawang tungkol kina Maine at Arjo.
Wala pa raw kasing boyfriend si Ria.
Heto ang kabuuan ng caption na tinag ni Ibyang sa mga anak at maging kay Maine.
“Bigla akong nalungkot hahaha Xavikok my baby no more! Hintay nalang talaga ako ng apo ko ehem, ehem, ehem hahahaha.”
Humirit pa ang award-winning actress na ang mga fur babies na lang daw muna nila ang kanyang magiging babies.
“But in the meantime, habang wala pa ehem ehem! Sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga babies ko.”
Komento ng isang netizen: “Maam Sylvia antay lang yun munang ate ni meng ikakasal na sya ngayung 2022 kaya sina arjo at meng for sure na sa 2023. Hahahaha itag ko na po ba?”
So far, ini-enjoy ni Ibyang ang pagiging full momshie sa mga anak.
Apat ang anak nina Sylvia at ng businessman husband na kung tawagin ng lahat ng mga kaibigan sa industriya ay Papa Art (Atayde) — Ria, Arjo, Gela at Xavi.
Pansamantala munang namahinga si Sylvia sa showbiz dahil sobra raw siyang na-stress sa huling teleserye na kanyang ginawa, ang Huwag Kang Mangamba sa role na Barang.
Hindi binanggit ni Ibyang kung hanggang kelan ang kanyang indefinite leave.
Pero, sinisiguro naman niyang once na may offer na maganda at nagustuhan niya hindi raw siya magdadalawang isip na di gawin
***
MAY prediksyon sa longtime loveteam reel and real life na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Sa YouTube Channel ni Aiko Melendez ay may kausap siyang isang card reader, physic, fortune teller na nagngangalang Jovi Vargas.
Tinanong ni Aiko kung may matindi pang pagdadaanang problema ang longtime couple.
Ayon sa manghuhula, may kahaharapin daw na matinding problema ang KathNiel na magiging dahilan ng kanilang paghihiwalalay kung hindi raw maagapan.
Makakatagpo raw ng ibang babae ang aktor at dito malalaman kung gaano raw katibay ang relasyon ng dalawa.
Siyempre pa ang unang papalag kapag nangyari yun ay ang KathNiel fans.
Hindi naman daw nakikita ni Jovi kung magkakaroon ng relasyon si Daniel sa makikilalang girl. Ang nasabi lang niya ay magiging dahilan ito ng pagyanig ng pag-iibigan ng dalawa.
Pero payo ni Jovi ay huwag bibitiw sa pagmamahalan ang celebrity couple dahil malakas daw ang kanilang energy kapag magkasama.
“They’re sharing both luck,” sey pa ng fortune teller.
Nakikinita rin daw niya ang isang aksidente sa aktor na mangyayari sa parteng South.
Kaya kung maaari raw ay iwasan ni Daniel na pumunta muna sa lugar na yun.
Hindi raw niya masabi kung dahil sa kotse o motorsiklo ang aksidenteng magaganap.
Ngayong pumasok na ang 2022 marami talagang prediksyon ang maglalabasan pagdating sa mga sikat na artista.
Ang best way na lang na dapat nilang gawin ay ang pag-iingat.