Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NABA-bash na naman si Nadine Lustre dahil sa kanyang dragon tattoo.
Dream tattoo raw ito ng kanyang ex-bf na si James Reid.
Kaya may mga nagsasabing di pa rin daw maka-move on si Nadine at may pitak pa sa puso nito ang ex-bf.
Sa dami naman daw ng tattoo design ay ang gusto pa raw ni James ang ipina-tattoo ni Nadine na isang dragon.
Love pa ba raw niya ito sa kabila na may dyowa na ito na si Christopher Barriou.
Ayon naman sa aktres, kahit siya ay type ang dragon tattoo at di lang ang kanyang ex.
Kahit ang new bf ay nadadamay na rin sa pangba-bash .
Basta raw si Nadine ay move on simula pa nung magkahiwalay sila ni James nung 2020.
May bago na raw itong lovelife at dito nakatuon ang pokus ni Nadine.
Dahil ayaw siya tigilan ng basher at ini-insist na love pa rin niya si James.
Kaya sinupalpal nito ang basher ‘gurl 2022 na move on na’ sagot pa ni Nadine.
Deserving naman na lumigaya rin si Nadine at hayaan na nga raw satsat pa ng netizens.
***
RYZA GAME TULUNGAN SI LOLO NA INAKUSAHANG NAGNAKAW NG MANGGA
HANDA naman si Ryza Cenon na tulungan ang lolo na si Narding, 80 years old na napagbintangang nagnakaw ng mangga at bigyan ng 12k para makalaya.
Dahilan para makulong si Lolo Narding at marami namang natuwa na netizens nang magbigay pahayag si Ryza na gusto nitong bigyan ng pampiyansa si Lolo Narding.
Halos madurog ang puso ni Ryza nang makitang nakakulong ang matanda ng dahil sa mangga na umabot daw sa sampung tiklis ang nakuha ng matanda.
Kaya handa naman magbigay tulong si Ryza na awang-awa sa sinapit ni Lolo Narding.
Kaya naman pinuri ng netizens ang boluntaryong pagtulong ni Ryza sa matanda.
Dumami pa nga raw sana ang katulad ni Ryza na handang tumulong sa nangangailangan lalo na nga raw super oldie na ni Lolo Narding.
Kahit sina Rabiya Mateo at Kuya Kim Atienza ay gusto rin tumulong.
Well, well, well. ‘Yun na!