Pina-tattoo ang bday ng anak sa likod… Max tikom pa rin sa hiwalayan sa mister na si Pancho; RR nagpasabog ng kaseksihan sa beach
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
KAHIT mataas pa ang Covid-19 cases sa bansa ay nasa isang beach sa La Union ang former TV host/dancer na si RR Enriquez na uma-aura-aura habang naka-two piece swimsuit.
Sa kanyang Instagram ay ipinost ni RR ang kanyang mga sexy beach photos at pati na ang pinaggagawa sa resort.
Makikita sa kanyang IG Story na nagka-karaoke siya sa gubat at kinakanta ang Price Tag ni Jessie K at ang Take a Bow ni Rihanna.
May video rin siya na umaakyat sa isang puno para lang mag-pictorial.
“Buwis buhay para sa picture,” caption ni RR.
May video rin na pinapasyal niya ang kanyang aso sa dalampasigan.
May paglilinaw din siyang ipinost kung paano siya nakapunta sa beach sa Bacnotan, La Union habang naka-lockdown ang pobinsiya.
“Ang daming nagmi-message sa akin paano raw ako nakakapag-beach sa La Union eh naka-lockdown sila!
“I think San Juan and San Fernando lang po yung sarado! And this is a private property owned by secret kaya we can go any time hehe,” paliwanag ni RR na dating co-host ni Wilie Revillame sa Wowowee.
Matatandaang si RR ay isa sa pinapantasya ng mga kalalakihan noon sa ganda at walang kiyeme nitong pagpo-post ng mga sobrang seksing pictorial.
Bukod kasi sa maganda ay sobrang ganda rin ng kanyang mala-diyosang katawan. Kaya nga marami ang naiinggit sa boyfriend niya na isang PBA player.
***
PINUSUAN ng mga netizen at kapwa celebrity ang larawang ibinahagi ni Max Collins sa kanyang Instagram. Makikita sa larawan ang bagong tattoo ni Max sa likod na roman numerals “VIL. VL. MMXL.”
Paliwanag ni Max sa caption na birthday ito ng anak nila ni Pancho Magno na si Skye Anakin which is July 6, 2020.”
“Finally got Skye`s birthday inked,” caption ni Max
Marami ang humanga sa ginawa ni Max dahil pagpapatunay lang nito na kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa anak.
“Love it,” comment ng kapwa artista na si Melissa Mendez.
Nag-react naman ng heart eyes emojis si Carla Abellana.
“Grabe,” say naman ng isa niyang follower.
Kitang-kita naman sa mga post ni Max na kay Skye umiikot ang mundo ngayon ng actress. Hands-on mom siya at kahit na nagta-trabaho ay sinisiguro ni Max na may quality time para sa kanyang anak.
Tungkol naman sa tsikang hiwalay na sila ni Pancho na parating tinatanong sa kanya ng mga netizen ay dedma lang si Max.