Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAHIT babae ang direktor sa bagong project ni Diego Loyzaga sa Viva ay di naman ito naging dahilan para umatras siya sa new film na ginawa.
Naipaliwanag naman daw ng husto ng kanilang direktor ang bawa’t scene.
At naintindihan naman ng aktor kaya naman nagawa na nito ang mga love scene with 2 leading ladies.
Ang isa ay si Louise Delos Reyes na nakasama na niya sa Encounter dati.
At now lang daw sila nagkaroon ng chance na magsama sa eksena bilang mag-asawa.
Kasama rin ang bagito na leading lady nito na si Cara Gonzales.
Dahil sa paliwanag ni direk sa mga scene na gagawin ni Diego ay propesyonal at madali niya itong nagawa.
Mukhang kinabog yata ni Diego ang tatay nito na si Cesar Montano na gilid lang ng pisngi ng puwet ang ipinakita sa Machete noon.
Pero si Diego ay talagang walang kiyeme at nagpakita ng kanyang puwet sa The Wife.
As in, nakipagsabayan ito sa mga sexy star ng Viva na sina AJ Raval at Sean De Guzman na wala rin kiyeme sa pagka-daring.
Ma-typecast na kaya si Diego sa mga sexy film?
As of now, eh wala pa rin linaw kung true na split na sila ng gf na si Barbie Imperial.
***
Neri Miranda dinugo para sa balik alindog
MAKALIPAS ang tatlong buwan kapapanganak lang ng esmi ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda kay Baby Cash.
Inamin nito na tumaba siya kaya nadagdagan ang kanyang timbang from 73 lbs last October.
Nitong mga sumunod na buwan ay naging 63lbs na ang timbang ni Neri.
So need niya na magbawas dahil aa goal nito na 55lbs.
At kapag na-achieve nga raw niya ito ay magdiriwang ang asawa ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar.
Natatandaan pa nga ni Neri na sa labis na kagustuhan na maibalik ang alindog program, nagmadali ito kaya nag-stretching kaya dinugo.
Kaya naman binago at dahan-dahan na ang kanyang pag-eehersiyo.
At huwag na raw mag-exercise kung kapapanganak pa lang at CS pa.
Kaya ngayon ay simple na lang ang exercise na ginagawa ni Neri kasama ang asawa na si Chito.
Well, well, well…’Yun na!