Advertisers

Advertisers

Korina nakipag-bonding sa farm ni Sen. Ping

0 428

Advertisers

HINDI maitago ang saya ng TV host-journalist na si Korina Sanchez-Roxas nang magkasama sila ni Sen. Ping Lacson sa farm nito kamakailan.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Korina ang bonding nila sa bahay kubo ni Lacson habang namimitas ng kalabasa at letsugas at namingwit pa ng isda.

Pero kuwento nga ng TV host-jounalist, ibinalik din nila sa tubig ang mga nabingwit nila.



Dagdag pa ni Korina, masaya anyang alalahanin ang mga kuwentuhan nila ng halos kasabayan niya bilang journalist at si Ping bilang mabagsik na astig na boss ng kapulisyahan.

Ilang dekada ng interbyuhan na umano ang namagitan sa kanila ng ex-PNP Chief, general, drug buster, anti-corruption senator na ngayon ay isa pang magsasaka.

Nasaksihan na rin daw nilang dalawa ang naging kalagayan at ang mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

Nagpasalamat din si Korina sa ibinigay ng presidential aspirant sa kanya na kapeng barako, banana cue at sapin-sapin.  (BKC)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">