Advertisers

Advertisers

Sharon iniyakan ang kapwa pagtakbong bise presidente ng mister na si Kiko at Tito Sen

0 357

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

INAMIN ni Sharon Cuneta na sobrang nerbiyos ang nararamdaman niya habang palapit ang kampanya sa 2022 election kung saan kandidato sa pagka-bise presidente ang husband niyang si Senator Kiko Pangilinan.

“Kung puwede lang itulog ko yung tatlong buwan ( na campaign  months) sa nerbiyos,” pabirong say ni Sharon sa isinagawa niyang Facebook Livestream na kasama ang mister.



“Ninenerbiyos ng konti because of COVID, and because yung laban nga ang budget ng ibang kandidato ay hindi hamak na parang balon, hindi nauubusan ng tubig.

“Kami parang ilang salop pa lang kami ng balde. Na siyempre, hindi naman puwedeng lahat ng naipon namin ay…wala na kaming makakain at maipapaaral  sa mga anak namin,” natatawang say ni Sharon.

Ang maganda nga lang daw ay may nag-donate ng billboards para kay Senator Kiko kaya nagpapasalamat sila sa kanilang mga supporters at volunteers.

Sa naturang livestream ay natuwa at napuri ng Sharonians ang pagpayat ng Megastar  kaya tinanong ito kung ano ang kanyang sekreto.

Ang ginawa raw niya ay sobrang pagkontrol sa pagkain. Pagbubulgar tuloy ni Sen. Kiko ay parang ibon daw kung kumain si Sharon na patuka-tuka lang.



“Mga 3 o 4 na subo, tayo na `ko. Kaya okey na ako, chicharon lang,” say ni Sharon.

Samantalang naging emosyonal si Sharon nang mapag-usapan  ang pinagdaanan niyang struggle na parehong pagtakbo sa pagka-bise presidente ng mister na si Kiko at ni Senate President Tito Sotto na husband ng kanyang Tita Helen Gamboa.

“It`s  really  still hard for me kasi pamilya ko `yun, eh. Nagkataon naman sabay silang tumakbo.  Ang hirap, I  don`t  wish for  anyone to be in my situation. Kasi how do you choose between the moon and the sun? Yun ang sitwasyon ko.

“You cannot  live with just the sun. You cannot  live with just the moon. The moon is my dad, I mean, Tito Sen, so,”  umiiyak na say ni Sharon.

***

Vice tinanggihan ang offer na tumakbo sa mataas na posisyon

MARAMING pumuri kay Vice Ganda dahil hindi siya nagpauto sa pangungumbise sa kanya na pasukin na rin ang pulitika. Inoperan siyang tumakbo sa mataas na posisyon  sa darating na 2022 election.

“Sa ngayon, no!  Ayoko magsalita nang patapos. May nag-offer sa akin sa mataas na posisyon, Naloka ako! Hindi ako magaling du`n. Feeling ko, puwede akong manalo dahil marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin, pero hindi ako magaling du`n, so bakit ako pupunta roon? Ipapahamak ko ang Pilipinas?”

Hindi na sinabi pa ni Vice kung anong posisyon at kung anong political party ang nag-offer sa kanya para tumakbo sa May 9, 2022 election.

Samantala, umalma ang mga co-host ni Vice sa kanilang programang It’s Showtime sa paratang na nagpa-power tripping ang sikat na komedyante.

Wala raw basehan ang nagsabing kung ano ang gusto ni Vice ang masusunod sa mga gagawin nila sa kanilang show.

Pagtatanggol pa kay Vice na lahat ng ginagawa nila sa show ay para sa ikabubuti ng programa.

Pasaring pa ng mga kasamahan ni Vice sa show sa taong nagsabing nagpa-power tripping ito sa kanila.

Ang ginagawa ni Vice ay may basbas ng Kapamilya management. Binigyan siya ng power na gawin ang nararapat sa show para mas lalong gumanda ang kanilang programa.