Advertisers
KAHIT pa nga ibinaba pa sa alert level 4 ang Baguio City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo at nila-lockdown na barangay ay tuloy pa rin ang mga sugalan ng mga kupaling gambling lord.
Panahon pa ni former Mayor Mauricio Domogan ay masasabi nang untouchable gambling lords ng Baguio City itong sina alyas PATRICK, TOYOY, OLDAK, NESTOR at EDNA.
May ilang dekada na ngang namamayagpag ang mga ito sa opisyo ng iligal na sugal tulad ng “monte, salisi, color game at drop ball”.
Nasa Legarda, Dampa, Otek, Magsaysay, Slaughter, Malcom Plaza at Barangay Kayang palengke ang mga sugalang ito ng mga kupal.
Ang hindi natin mawari at mapagtanto ay kung paanong nananatiling astig ang mga ito at tuloy-tuloy ang operasyon ng iligal na pasugal sa City of Pines kahit pa nga sa kasagsagan ng pandemyang dinaranas natin.
Ayon sa ating mapagkakatiwalaang sources, 2 buwan lamang daw umano ang itinigil ng mga sugalan dito simula ng pumutok ang COVID 19 sa bansa.
Ito din di umano ang dahilan kung bakit mistulang laban o bawi ang bilang ng mga nagpo-positibo sa lungsod.
Kilala kasi si Mayor Magalong bilang isang istrikto at straight na opisyal noong panahong sya ay nasa serbisyo pa bilang isang opisyal ng kapulisan.
Kaya naman nais nating malaman kung anong milagro ang ginawa ng mga kupal na gambling lords na ito para mapaglalangan nito at mapaikot ang mabunying alkalde na si Benjie Magalong.
Inaalam din natin kung sinong Hudas na tauhan ng mayor ang kausap at kasangga ng mga kupaling gambling lords.
Ayon pa nga sa tsismosong Intsik na sugarol, nag-advance di umano ang Hudas na tauhan ng alkalde ng milyong piso para sa kandidatura nito.
Tsk! Tsk! Tsk!
Totoo rin ba na galing sa mga kupaling ito ang dagdag ayudang ipinamimigay ng inyong mga tauhan meyor sir?
Hindi puwedeng di abot ng “intel network” ni Mayor Magalong ang iligal na gawain ng mga kupaling gambling lords na ito!
Imposibleng di maamoy ito ng retiradong heneral.
Maliban na lamang kung may sadyang “bumubulag” kay Mayor Magalong para maligaw ang paningin ng butihing alkalde.
Kung may Herodes ngang kasangga ang mga kupal na ito sa inner circle ni Mayor Magalong, nakakatiyak tayong isa ito sa mga pinagkakatiwalaan tauhan ng alkalde.
Kilala kasi si Magalong na bihirang magkamali sa pagkilatis ng kanyang gagawin tauhan upang maging mata at tenga sa mga ganitong klaseng ilegal na aktibidades.
In this particular case, tila sumablay si Magalong sa pagpili ng kanyang pagkakatiwalaan.
Kundi di kasi ginagago ng taong ito ang alkalde, ay tiyak na binubukulan!
Dagdag pa ng ating mapagkakatiwalaang source, bukod sa advance umano ang tauhang ito ni meyor ng isang taong “intelehensya” (tong) para sa nalalapit na halalan, nagpataas pa umano ito ng presyo.
Bukod sa mga kupaling gambling lords na ito, tuloy rin ang mga pasugal ng mga mini casino at online sabong ng mga dakilang pasaway ng Baguio City na sina, Jimmy at Tom.
Alaga ng mga hindot na ito ang kapulisan ng Baguio na sa araw-araw umano ay ginagatasan ng mga opisyal na Pulis.
Totoo po ba ito mga sir?
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com