Jinkee kinilig sa interbyu kay Manny ni Jessica; Pangalan ni Heart pina-tattoo sa mukha ng obsessed na fan
Advertisers
Ni BETH GELENA
TRENDING ang interview ni Jessica Soho sa apat na tumatakbong Presidentiables sa 2022 election – Sen. Ping Lacson, Mayor Isko Moreno, Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Manny Pacquiao.
Lima ang tatakbong Presidente ng bansa kaya ang tanging wala sa panelist ay si Bongbong Marcos.
Hindi nagpatinag ang bawat isa kina Ping, Leni, Isko at Manny sa bawat tanong na pinupukol ni Jessica sa kanila.
Samantala, si Ruffa Gutierrez na obviously ay kay Manny nakatutok ay nag-post ng video ng misis ni Manny na si Jinkee.
Sa video ay halatang kinikilig si Jinkee Pacquiao habang ini-interview ni Jessica ang mister.
Nasa video rin si Ruffa at ng ina nitong si Annabelle Rama kasama ang ilan pang pamilya ni Jinkee.
Sabay nilang pinapanood si Manny sa viral interview ni Jessica.
Bago mag-umpisa ang tanungan portion, sinabi ni Pacman na si Jinkee ang kanyang “greatest love” alongside God and his parents.
Tinukso ng 47 years old former beauty queen na si Ruffa ang kaibigang si Jinkee.
“Ang haba ng buhok ni Jinkee,” sambit ng ina ni Ruffa na naririnig sa background habang nanonood sila ng interview.
***
HINDI sukat akalain ni Heart Evangelista na may isa siyang fan na masyadong obssessed sa kanya.
Nawindang ang Kapuso aktres ng magpa-tattoo ang fan ng pangalan niya sa pisngi nito.
Walang nasabi ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero kundi “Intense” sa kanyang socmed.
Flattered si Heart sa ginawang pagpapa-tattoo ng fan ng kanyang pangalan kung saan ibinahagi niya sa kanyang IG account ang jawline na larawan ng mukha ng fan.
“Heart” tattooed on the right side, while her family name, “Evangelista” was on the left.
May mga nagsasabing bakit hindi na lang daw.pina-tattoo ang name ni Heart sa common areas ng body like arm, legs, or kaya ay sa likod ng fan.
Sabi naman ng iba, kaya raw sa jawline ay para mapansin agad at mababasa ng makakakita.
Sabagay, totoo naman dahil nang makita nga ni Heart ang name niya sa jawline ng fan ay speechless si Misis Escudero. “Wow, this is intense. I am flattered in a major way. I don’t know what to say… All I know is he beat my husband!”
Natawa ang mga netizen at celebrities sa reaksyon ni Heart.
“Sana nman hindi yan totoong tattoo kasi ang tacky angkol. 😂”
“Errrrrr intense nga…. so creepy though 😳”
“Haha grabe paghanga yan as in nakatatak sa mukha”
“His body his business”
“creepy! hindi siya flattering noh!”
“If a fan will do that to me maloloka ako and besides hindi artistic yung tattoo sana medyo ginawan pa ng effort. Pero pupurihin ko nalang para hindi mapahiya.”
“Obsessed nalang gagawa nyan sa sarili nila o bored”
Sabagay dapat ay maging aware si Heart dahil may mga ganyang fan na masyadong obssessed sa kanilang idolo to the point na baka mas may matindi pa siyang magawa.