Advertisers

Advertisers

Kim pinaalis ng ate sa bahay dahil sa may Covid na kasambahay

0 197

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGMISTULANG eksena sa serye ang naging moment ni Kim Chiu nang paalisin siya ng kanyang ate sa kanilang tahanan.

Kinailangang umalis ng bahay si Kim dahil  isa sa kanilang kasambahay ay tinamaan ng virus.



“Kumalat na yung virus sa bahay namin. Yung  isa sa mga angel namin is nagkaroon siya ( ng COVID),” say ni Kim sa kanyang latest vlog.

“Yong ate ko, nag-decide siya na. “Exit ka na kasi meron ka pang “Showtime baka mahawa ka,” say pa ng Tsinita actress.

Hindi pumayag ang kanyang ate sa gusto ni Kim na manatili sa bahay at  mag-quarantine na lang sa kuwarto, Airborne kasi ang sakit.

“Minadali  niya talaga akong umalis bago pa kumalat  sa buong bahay namin (yung virus), ” say ni Kim.

Para hindi mahawa at para rin sa safety ni Kim ay nagsosolo muna si Kim sa kanyang condo at makapagpatuloy ng taping sa “It`s Showtime at iba pang show sa kanyang network.



***

Sharon dalangin matapos na ang dream house

Sa unang pagkakataon ay binisita ni Sharon Cuneta ang kanyang ipinatatayong mega mansion na matatagpuan sa Ayala Westgrove Height, Silang, Cavite.

Tinawag ni Megastar na mega home at mega mansion ang kanyang dream house dahil sa sobrang lawak ng lupa.

Kasama ni Sharon ang mister na si Senator Kiko Pangilinan nang bisitahin ang kanyang dream house.

“Our first visit  to our home-in-construction in Silang today. By our future front door. With our architect and best team!” caption ni Sharon sa kanyang IG post.

May tatlong floors ang dream house ng Megastar, kasama na ang basement. May main family home at mayroon din sariling “shecave” si Sharon sa bahay.

“Yes, I  will have my own half  of the home for my books, clothes,  studio for  vlogs, maybe a small recording studio. Dressing room, etc, My “She-Cave,” pahayag ni Sharon sa kanyang past interview.

Inuna raw muna ang main house para sa kanyang pamilya at paglilinaw hindi magiging parking ang basement ng kanilang bahay.

Dalangin ni Sharon na matapos na agad ang construction ng kanyang dream house.

“Matapos sana agad pero mga 1 and a half years pa ito siguro….para lahat ng doggies ko, makalipat  na rin sa house nila sa may pool, my garden na kami at may sariling  kuwarto  ang iba sa doggies ko sa family home,” pahayag ni Sharon.