Advertisers

Advertisers

Lloydie at Bea patalbugan ng programa

0 354

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa consistent taas ng rating ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 kaya atat agad ang management na sundan na ito ng bagong project.

Sa pakikipag-miting nga raw ni John Lloyd sa mga ehekutibo ay tuloy na ang gagawin nitong new project.



Nagustuhan nga raw ni John Lloyd ang story na ipinabasa sa kanya kaya naman asahan na may bago itong gagawin.

Hindi naman tinukoy kung sino ang makakasama ni Lloydie na leading lady sa bago nitong project.

Malabo na si Bea Alonzo ang makapareha nito dahil gigiling na rin ang gagawin ng aktres kasama si Alden Richards.

Kahit noon pa ay sinasabi na niya na gagawa sila ni Alden ng project kaya ito na nga raw ‘yun.

Adaptation ng isang Korean drama series ang gagawin nina Bea at Alden at ‘di lang sa kanila iikot ang story at may isa pa, ‘di lang alam kung sino ang idadagdag kina Bea at Alden.



Ngayon nga na pareho na magkakaroon ng proyekto ang dating magka-loveteam na Bea-Lloydie kanino kayang serye ang hahataw sa rating?

Abangan!?

***

NICK NAÑGIT PINIPILAHAN

NAPAKA- high naman ng energy ng tinaguriang Spirit Questor na si Nick Nañgit at iisipin na tila wala itong kapaguran.

Mula sa pagiging Broadcaster sa DwIz para sa programang Tambayan, may print media rin ito sa number one tabloid ngayon, ang Police Files Tonite at isa ring vlogger ay naisasaayos nito ang kanyang napakasikip na iskedyul.

Lalo na ngayong dagsa ang kanyang TV, Radio at socmed platform guesting.

As in, dagsa na ang nagtitiwala kay Nick mapa- Metro Manila, province at labas ng bansa para magbasa ng future nila  kaya lagare to the max ito lalo na ngayong papasok na ang Chinese New Year.

Kaya naman pinipilahan nang bonggang-bongga si Nick ngayong papasok ang Year of the Black Water Tiger base sa Chinese calendar.

Kakayanin naman ng katawang lupa nito na siya ay pinipilahan ng sandamakmak na guestings.

Isa na ngayon si Nick sa Spirit Questor na pinagkakatiwalaan at may kredibilidad pagdating sa pagbasa sa future ng ating bansa ngayong Black Water Tiger. Gaganda ba, tama lang o di okey  ang ating bansa na siya ninyong abangan.

Kaya alam na ninyo kung bakit pinipilahan si Nick sa dami ng kanyang TV, Radio at Online guestings.

Follow nyo lang siya sa kanyang FB/YouTube at puwede na kayo mag-ask ng inyong kapalaran this 2022.

Bonggacious! Well, well, well…’Yun na!