Advertisers
NALALAPIT ng mabago ang takbo ng pamumuhay ng mga Manilenyo partikular na ang mga ordinaryong manininda o vendors.
Sisikapin ni Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez na maiangat ang nalugmok na buhay ng ilang taga-Maynila ngayong pandemya, kung sakaling papalarin siyang manalong alkalde ng lungsod.
Isa sa prioridad na tulungan ng anak ng dating Manila Mayor Mel Lopez ang mga vendors na tinuturing rin nitong katuwang sa pag-unlad ng lungsod.
Nais putulin ni Atty. Lopez ang istilo ng ilang mga nakapuwestong opisyal ng gobyerno at otoridad sa pangingikil sa mga vendors, na sa kaunting kikitain ng mga ito nakikiparte pa ang mga ‘buwaya’.
Sinabi ni Atty. Lopez, na sisikapin nitong mabigyan ng sapat na pondo ang mga vendor sa pamamagitan ng papapautang ng kapital upang mapaikot ng mga ito sa kanilang hanapbuhay.
Ayon kay Lopez, makikipag-uganayan siya sa mga bangko na nasasakupan ng Maynila upang mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na mapatunayan ang kanilang pagiging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapautang sa mga ito ng puhunan. At si Atty. Lopez rin ang tatayong ‘guarantor’ sa mga bangko.
Sa ganitong sistema tiniyak ni Lopez na magiging maliit lamang ang magiging interes nang uutangin ng mga vendors upang hindi sila mahirapan sa pagbabayad nito.
“We would like to give a livelihood, we have a principle of marginalized empowerment. ‘Yung mahihirap po, tutulungan natin, bilang ekonomista po, naniniwala po ako, na ang pag-unlad po ng isang bayan at ng isang bansa ay hindi trickle-down effect, kundi mushroom effect. Mag-uumpisa po tayo sa mahirap, pagkatiwalaan natin sila, tulungan natin sila, para umunlad sila, pag-unlad nila lahat po tayo iaangat po niyan,” wika ni Lopez.
“So many regulations have been built against these vendors [viewed as traffic to vehicles and pedestrians]. Tayo po, para mabago na ang paningin natin dito, hindi po iyan [vendors] masasamang tao, although nakakaabala sila ng traffic, we can reconcile a policy that will prevent them from traffic, and yet they will be partners of city building, of nation building. Since there are about 35,000 vendors, we will make them the back-bone of our middle-class. Papa-utangin po natin yan, tutulungan po natin yan,” dagdag pa nito.
Nais ni Atty. Alex Lopez ang tunay na pagbabago sa mga Manileño kung sakaling siya ang mahahalal na Alkalde ng lungsod.