Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISANG malaking tagumpay ang pagbabalik sa telebisyon ni Sen. Bong Revilla, Jr. via “Agimat ng Agila” na pumalo ng mataas na ratings, nag-trending at pinag-usapan.
Kaya minarapat ng GMA7 na bigyan ito ng Book 2 at bagong mga karakter na ipapasok tulad nina Rabiya Mateo, Benjie Paras, Betong Sumaya, att Gardo Versoza. Kasali pa rin si Sanya Lopez bilang leading lady ni Sen. Bong.
Aminado si Bong na happy siya sa pagkakaroon ng Book 2 ng kanyang mini-serye pero may kaakibat naman daw itong napakalaking pressure.
“Siempre, nandun pa rin yung kaba. Masama yung masyado kang confident. Basta we gave it our best and I’m very proud of this project so I’m sure the viewers will enjoy this,” say ni Sen. Bong.
Ano naman kaya ang kakaiba sa Book 2 kumpara sa Season 1 ng kanyang show, may mas kaabang-abang ba naman?
“Mas ma-action ito. We felt we have to surpass Season 1. Yun talaga ang inambisyon namin. We’re glad very supportive ang GMA. Mahirap magyabang, pero makikita nyo naman na mas pinalaki talaga ito.
“We really focused on the action sequences, the fight scenes, mas maraming explosions. It takes so long to film them kasi parang pelikula ang ginawa ni Direk Rico,” dagdag pang say ni Sen. Bong.
***
PAREHO nang nasubukan ni Paolo Gumabao na magkaroon ng love scenes sa kapwa niya actor at sa mga sexy actress. Sa unang movie ni Paolo na ‘Lockdown” ay lalake ang kanyang kahalikan.
Sa mga sumunod na movie ay babae at sa “Sisid” ay lalake naman. Kanino kaya nadadalian si Paolo pagdating sa lovescenes, sa kapwa niya actor o sa leading lady niya?
“Actually, mas comfortable ako sa kissing scene with a guy, kasi you don’t have to be that delicate. Pareho kayong lalaki, e. Sa babae, you have to be more careful.
“I ask muna kung okay lang ba gawin ko ito sa eksena namin. You have be more respectful and not cross any lines para hindi siya ma-offend and think you’re taking advantage of her,” dagdag ni Paolo
Simula palang ng buwan ngayong taon ay 2 movie na agad ang pinalabas na nasa lead role si Paolo, ang “Sisid” at “Silip Sa Apoy” samantalang si Marco ay wala pa. Parehong genre ang magkapatid, sexy image at parehong under ng Viva Entertainment.
Sa ngayon pagkatapos ng ngaragang promo ng “Sisid” ay sa “Silip Sa Apoy” promo naman na streaming na starting January 28. Subscribe now on Vivamax, the most successful local streaming platform online worldwide with more than 2 million subscribers.