Advertisers
SA kapakanan ng mga batang edad mula 5 hanggang 11 laban sa COVID-19 ay tiniyak na ni MANILA MAYOR ISKO MORENO DOMAGISO sa publiko na handa ang kanilang lungsod na ilunsad ang VACCINATION DRIVE sakaling ipapatupad na ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) at ng NATIONAL TASK FORCE AGAINST COVID-19 (NTF) ang programa sa susunod na linggo.
“Nakahanda na po ang inyong pamahalaang lungsod sa pagbabakuna ng ating mga kabataan na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. We are just awaiting word from the DOH as to our schedule in Manila, kung kailan nila kami bibigyan ng mga bakuna para sa mga bata,” saad ni MORENO sa pamamagitan ng Facebook live Martes ng gabi.
Muli ay hinimok ng 47-anyos na PRESIDENTIAL ASPIRANT ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata sa loob ng pinapayagang edad bracket na paunang irehistro sila sa pamamagitan ng online vaccine registration site ng lokal na pamahalaan na https://manilacovid19vaccine.ph.
Ayon sa DOH, may 780,000 doses ng pediatric vaccine ng Pfizer ang darating sa January 31. Magkakaroon ng lingguhang paghahatid para makumpleto ang 15 milyong shot ng two-dose vaccine na iniutos ng gobyerno.
Habang hinihintay ng pamahalaang lungsod ang go signal mula sa NTF, sinabi ni MORENO na patuloy pa rin ang pagbabakuna sa target na populasyon, kabilang ang inoculation ng mga menor de edad na edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Inihayag ni MORENO na ang MANILA ZOOLOGICAL AND BOTANICAL GARDEN ay isang ideal na vaccination site. Ang 5-ektaryang recreation facility ay may sapat na open space at pagkatapos ng kanilang pagbabakuna, ang mga bata at kanilang mga lolo’t lola ay maaaring maglibot upang makita ang mga hayop, hardin at mga museo.
Patuloy pa rin ang 24-hour drive-thru booster shot caravan para sa mga 4-wheel vehicle sa harap ng QUIRINO GRANDSTAND drive-thru booster shot para sa mga motorcycle at bicycle riders sa KARTILYA NG KATIPUNAN, drive-thru vaccination facility para sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs) sa BAGONG OSPITAL ng MAYNILA, gayundin ang tuluy-tuloy na pagbabakuna sa community health centers, designated shopping malls at pampublikong paaralan, at on-site booster shot para sa mga construction workers sa lahat ng kasalukuyang proyekto ng LUNGSOD NG MAYNILA..
Inihayag naman ng NTF na magsisimula ang pagbabakuna para sa mga bata sa February 4…, na inaasahang ang lahat ng magulang sa naturang lungsod ay.makikipagpartisipa na isasama ang kanilang mga anak para sa katiyakang proteksiyong bakuna laban sa nakahahawang COVID-19 at mga VARIANT.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.