Advertisers

Advertisers

Mangga ni Lolo Narding, jueteng ni Timmy!

0 863

Advertisers

KAHIT may iniinda pang karamdaman ay hindi naiwasan ng inyong lingkod na tipain ang ating artikulo dahil sa makabagbag damdaming sinapit ni Leonardo Flores ng Asingan, Pangasinan.

Naging maugong ang pangalan ng 80-anyos na matanda na lalong kilala sa Lolo Narding nang dahil lamang sa akusasyong nagnakaw ito ng may 10 kilong mangga ay kinasuhan ito ng pulisya at ang asunto ay naisampa sa 7th Municipal Circuit Trial Courts (MTCTC) of Asingan-San Manuel, Pangasinan.

Kung ang pagbabasehan ay ang mga nalathalang mga artikulo, marami pa sanang mga ligal na dapat pagbatayan ang panig ni Lolo Narding at ng pumuposturang nagmamay-ari ng puno ng mangga bago pa sana mag-isyu ng warrant of arrest at ipinakulong ang matanda.



Ganito rin sana kabilis ng pag-aksyon ng mga awtoridad laban sa mga tulisan sa Pharmally na nakapandamdong ng hindi lamang milyones at bilyones kundi trilyones na halaga ng salapi buhat sa kaban ng bayan.

Napakabilis talaga ang naging desposisyon sa kaso ni Lolo Narding at kung wasto ang mga nag-viral na post ay di pa gaanong katagalang naisasampa ng pulisya ang kaso ng matanda ay agad agad na itong naisyuhan ng warrant of arrest.

Ito ang nakalulungkot na katotohanan, kapag mga malalaki at de kalidad na magnanakaw na karamihan pa naman ay mga intsik ay napakabagal ng paggulong ng ating hustisya.

Bagama’t sa mata at pulso pa lamang ng masang Pinoy ay halos siyento por siyento na may kasalanan na ang ilang mga opisyales ng Pharmally, ngunit sa halip na kondenahin, ay ipinagtatanggol pa ito ng maraming namiminuno sa Pamahalaang Duterte?

Ganito din ang karaniwang kaganapan sa mga bayan ng Mabini at San Pascual kapwa sa lalawigan ng Batangas. Hayag na hayag ang pangalan ng isang alias Timmy Kupal sa pagpapatakbo ng kalakalan ng iligal na droga at sugal sa nabanggit na mga bayan, ngunit halatang pinagtatakpan ito ng ilang lokal na opisyales sa naturang mga munisipalidad.



Hindi naman natin dapat karakang sagpangin ang ipinagbabanduhan ni alias Timmy Kupal na alam nina Mabini Mayor Noel Luistro at San Pascual Mayor Antonio Dimayuga ang operasyon ng iligal na droga at Small Town Lottery bookies sa nasabing mga bayan.

Sa katunayan, ipinagmamalaki din pala ni Timming Kupal na di matinag ng lokal na pulisya ng Mabini ang rebisahan ng kanyang STL bookies o jueteng na sentro din ng bentahan ng shabu sa Brgy. Balibaguhan at Brgy. Niogan ng nabanggit na bayan pagkat kasosyo nito kuno si Mayor Luistro?

Dapat na latiguhin ni Mayor Luistro ang hinayupak na alias Timmy Kupal at ipaaresto nito ang mga kabo at kubrador ng bookies/ jueteng na nagsisilbi ding drug couriers sa barangay na nasasakupan ni Chairwoman Marilyn Beloso at sa kabuuang 16 na barangay ng nasabing bayan.

Kailangang patunayan ng alkalde na pawang kasinungalingan lamang ang ipinangangarali ni Timming Kupal sa kanyang mga kabababayan, kung hindi ay wala itong kalalagyan sa May 9, 2022 election?

Gasgas din ang imahe ni San Pascual Mayor Tony Dimayuga pagkat pinalilitaw din ng alias Timmy Kupal na malaki ang naiaambag nito sa kandidatura ng nasabing alkalde.

Paghahambog pa ni Timming Kupal sa kanilang mga kababayan, may bendisyon daw ang alkalde para malaya itong makapagpatakbo ng rebisahan at bentahan ng shabu sa Brgy. Pila, Poblacion at Brgy. San Antonio sa lahat na barangay sa nasabing munisipalidad? Abangan natin ang aksyon nina mayor, kung talaga lang na aaksyon?
***

Para sa komento:CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.