Advertisers
Ni NICK NANGIT
KUNG ang Taon ng Baka 2021 ay mabagal at punung-puno ng hiwalayan, ano naman ang maaasahan natin sa Taon ng Tigre 2022?
Sa simula ng 2022 hanggang Enero 29 ay meron pa tayong Venus Retrograde. Dala nito ang pagpaparamdam at pagbabalik ng mga Ex o kaya’y ng mga negosyo na naudlot at gustong simulan muli.
Lahat ng yan ay ilusyon lamang. Pansamantala ang dala-dalang kasiyahan. Pagkatapos ng Enero 29 ay matatauhan na hindi pala kayo para sa isa’t isa.
Ika nga, pinagtagpo pero hindi tinadhana.
Kaya nga’t ang daming naghiwalay at maghihiwalay pa sa showbiz!
Subali’t pag tuntong na ng Pebrero hanggang katapusan ng taon 2022, nasa Direct Motion o Prograde na ang planetang Venus.
Dahil, ayon sa mga sinaunang paniniwala, ang diosang si Venus ay taglay ang katangian ng pagmamahal, maganda ang taon sa pagpapakasal at sa pagkakaroon ng jowa. Wala nang patumpik tumpik pa.
Kumbaga, Love is in the Air!
Kaya’t sa showbiz, may magpapakasal. May magsasama na kahit hindi kasal. May mabubuntis din na ayaw sa kasal sa kalagitnaan ng taon.
At dahil malawak ang pagmamahal na dala ng Venus, nandiyan din ang tukso. Kaya’t bago matapos ang 2022, may lalantad ding sikreto na wawasak sa ilang relasyon.
Para dumating sa buhay ang mapupusuan tayo, ang pinakasimpleng gagawin lang ay paligiran ang ating sarili ng kulay kalimbahin. Dapat wagas ang ating intensyon ng katapatan sa sarili para magkatuluyan na!
Yun muna ulit. Ugaliing mag-subscribe at panoorin ang lahat ng vlogs pati ads, ng Nickstradamus Nickstradamus channel sa Youtube, lalo na ang LIVE nito tuwing Biyernes alas-onse ng gabi Manila time.
Yung gustong magpabasa ng mga tarot cards o kumonsulta ng mga kristals, magsulatroniko lamang ng schedule sa nickstradamusnickstradamus2019@gmail.com.
Light Love and Life, Namaste!