Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SINO ba ang magtutulungan at suportahan e, di ang magkakapatid sa industriya? Pero parang nawawala na yata sa partido nina Presidential aspirant Sen. Ping Lacson at ka-tandem for Vice President Sen. Tito Sotto, si Herbert Bautista na paborito at hinahangaan ko pa naman.
Hayan at malaki ang tampo ngayon ni Tito Sen kay Bistek at tanong pa nito na mula’t mula sabi ko nga.
KB (Kabataang Barangay) days pa lang hanggang sa pagiging parte ng showbiz hanggang sa naging Mayor eh suportado ko na. Parang tila nawawala sa sarili si Bistek at nagkakagulo yata ngayon tungkol sa kung sino ba talaga ang susuportahan nito.
Dahil ayon pa sa ilang source ay nakikita na raw ito palagi sa mga caravans ng BBM at Sara Duterte. Ayos lang naman daw kung maging guest candidate sa lahat ng tumatakbo si Bistek. Pero ang masaklap ay parang hindi raw ito nakikita kina Manny Pacquiao at kina Tito Sen at Ping Lacson.
Samantalang ang alam ng marami ay nasa line-up ito nina Tito Sen sa pagtakbo nitong Senador. Ang dating tuloy sa mga tagasubaybay sa kaganapan sa ikot ng political career ni HB now, eh para raw ‘ata nawawala, nawawaglit ba o nakakalimutan na nito ang loyalty sa isa sa mga mentor niya sa pulitika na tulad ni Tito Sen. Naku, hindi ko alam ang isasagot ko sa hinampong ito ni VP Candidate at Senate President Sotto. Lalo na kung may pag-uungkat na sa nakabinbing kaso raw ni HB.
Hala, kalokah sabi ay i-Google ko na lang daw at nandoon naman lahat ‘yung detalye. Naku, mukhang negatibo at minus point para kay Bistek ang pagtalikod niyang ito sa kanyang partido, kaya dapat magising na siya at makipag-usap sa nasaktan at binabalewala niyang si Tito Sen na respetado ng buong showbiz at mundo ng pulitika.
***
Alquin Gaddi, Amaya, At Andrew Lucas Tampok Sa Music Video Ng “Paalam” Ni Direk Reyno Oposa
Tatlo sa mga alaga ni Direk Reyno Oposa sa Collabros Artists na sina Alquin Gaddi, Amaya, at Andrew Lucas ang tampok sa music video ng direktor para sa first single na “PAALAM.”
Yes, isa na ngayong certified recording artist si Direk Reyno na noon pa man ay hinangaan ang boses ng composer na si Jimmy Borja. Nasa Official Youtube Channel na ni Oposa ang kanta niyang ito na mula sa sariling komposisyon na alay niya sa lahat ng mga sawi sa pag-ibig.
At maliban sa magandang lyrics nito ay tiyak na mapapasabay kayo sa pagkanta ng Paalam ni Direk Reyno dahil sa musical arrangement ni Marlon H. Samantala, pag-upload ni Direk Reyno ng original music demo ng kanta niyang ito ay umani agad ng maraming views.