Advertisers

Advertisers

Bistek ‘nabastos’ si Sen. Sotto at ang NPC?!

0 301

Advertisers

PARANG mahirap paniwalaan dahil mahusay at minahal ng kanyang mga nasasakupan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Pero itong mga lumabas na balita na tila wala raw utang na loob si Bistek na ngayon ay tumatakbong Senador sa ilalim ng partidong Nationalist Peoples Coalition dahil kahit alam anya niyang kaanib siya ng partido at kinupkop ni vice presidential aspirant Tito Sotto ay mas nararamdaman ang kanyang presensya sa kampo nina Sara Duterte at Bongbong Marcos.

Maliban kay Bistek ay kasama rin sa NPC si Sen. Sherwin Gatchalian na umano ay panay ang tungo sa Davao noon para kunin ang basbas ni Inday Sara na siya ang kuning bise presidente noong presidente pa ang balak takbuhin nito.



Feeling offended daw talaga si Sen. Sotto sa inaasal ni Bistek na matapos kalingain ng NPC, sa ngayon ay mas makikita pa sa mga aktibidades ng kabilang grupo kaysa sa kumalinga sa kanyang NPC.

Sana naman daw ay hindi malimutan ni Herbert na kinuha siya ng NPC ito ay sa kabila na may 3 graft cases na isinampa laban sa kanya na para sa iba ay mahirap paniwalaan.

Ang mga iniharap daw na mga kaso sa dating QC Mayor ay ang mga ito. 1) P27.62 million-deal with Cygnet Energy and Power Asia Inc. para sa instalasyon ng solar panel system at waterproofing ng rooftop ng city hall 2) CCTV cameras na umano ay ipinamahagi sa 111 barangay sa QC pero hindi nman anya natanggap ng iba at 3) a plunder complaint (RA 1080) para sa illegally disbursing P263M.

At narito pa anya ang iba pang kaso ni Bistek to quote-”a Vacc complain over illegal drugs -the Vaccines accused the Bautista brothers (Coun. Hero Bautista) of dishonesty, neglect of duty, misconduct and conduct harmful to the best interest of service (EO 292), grave misconduct and violating the Dangerous Drugs Act of 2002.”

“There is also a case on ROBBERY for P1.2M printing equipment.”



Ayon pa sa balita, nabastos daw ni Bistek ang NPC at si Sen. Tito dahil lang sa maling aksyon nito at pagpilit anyang makapasok sa kampo ni Inday Sara na alam naman daw niya na kalaban ng NPC.

Hindi rin daw dumadalo si Herbert sa mga virtual meeting ng NPC pero nakikita ito sa mga ganap ng partido ni Inday Sara.

Ang dapat daw na ginawa ni Bistek ay nagbitiw sa NPC at nagpaampon na lang sa kampo ni Inday Sara.

Edukado naman daw si ex-QC mayor pero nawala ang pagiging tapat nito sa kanyang partido na nagmalasakit sa kanya noong kailangan niya.

Harinawa naman ay mapagtanto ni Bistek ang karapat-dapat gawin at matutong tumanaw ng utang na loob sa nagpala sa kanya. (BKC)